Seven

1K 24 11
                                    

Seven

I was back at the street where I met that creepy old lady from ten years ago who predicted I would marry a doctor.

Ganoon pa rin ang lugar. Tahimik pa rin. Marami pa ring bulaklak sa labas ng bahay ng mga nakatira sa kalye. Walang nagbago.

Pero ngayon, ako lamang mag-isa ang tao sa paligid. Noong huling naririto ako, kasama ko pa ang mga matatalik kong kaibigan noong grade school.

Kumusta na kaya sila? Naging totoo kaya yung hula ng matanda sa kanila noon?

Wala na kaming komunikasyon ngayon. Pagka-graduate namin sa elementary, nag-uusap pa kami at nagkikita. Pero magkaiba kasi ang paaralang pinapasukan namin sa high school kaya bigla ring natigil ang pag-uusap at pagkikita namin. It just happened. Naging abala kami sa maraming bagay. Gumagawa na kami ng excuse sa isa't isa na hindi kami pwedeng magkita dahil may assignments, may requirements, at kung ano-ano pang excuse.

Hindi pa uso sa akin ang cellphone noon kaya madalang lamang talaga ang komunikasyon namin, hanggang sa tuluyang nawala. Nung nauso naman sa akin ang text at cellphone, the distance between us had already widened that it felt awkward to approach them first because you were not sure how they would take it or how you would be welcomed, so you chose to let the distance grow and just focused on your friends in the present instead of reaching out to those friends in the past.

I guessed we all had those moments. 

Maybe there were people who were meant to be in our lives, but not meant to stay.

Or maybe people just used that as an excuse for not having the courage and effort to make them stay.

If one wanted a person in their life, one shouldn't just let that person go without fighting for that person to stay.

I guess that's what I should have done.

"Maganda ang paniniwala mong 'yan, ineng."

Nagulat ako nang biglang sumulpot ang matanda from ten years ago sa tabi ko. Wala ring nagbago sa kanya. Hindi siya tumanda all these years that had passed. Anong sekreto ni lola? 

(I guessed I should start calling her lola since saying matandang babae sounded disrespectful.)

Napansin ko ring ganoon pa rin ang suot niya. Balot na balot pa rin siya ng itim. The very same outfit ten years ago. Hindi nagbibihis si lola? O marami siyang ganyang damit sa aparador niya?

Parang nag-travel back in time lang ako sa eksenang ito.

"S-saan po kayo galing?" kinabahang tanong ko.

"Hindi na mahalaga 'yan," sagot niya. "Nahanap mo na ba ang doctor na mapapangasawa mo?" she asked.

"Po?"

"Maniwala ka sa akin, ineng," sabi ni lola, "doctor ang mapapangasawa mo."

Bago pa man ako makapagbigay ng reaksyon sa sinabi ni lola, bigla namang nagbago ang paligid.

Nawala na si lola. Wala na ako sa tahimik na kalyeng iyon.

Nasa ibang lugar na ako.

Nasa isang hindi kilalang kwarto ako. It looked like a study or an office. May mesa sa isang gilid na nakaharap sa may pintuan. May mga aklat na nakapatong sa mesa. There was a ballpen, too, and piles of papers. May family picture din na hindi ko na tiningnang mabuti. 

Then in my peripheral vision, I saw a slight movement at the left side of the room.

I turned and I saw a man in a lab gown in front of the shelves. Nakatalikod siya sa akin. I knew the back of the man was familiar.

My Future Husband Is A DoctorWhere stories live. Discover now