Prologue

3.3K 47 8
                                    

Prologue

 Ang init ng panahon. Tirik na tirik ang araw pero naisipan pa rin namin ng mga kaklase kong maglakad-lakad sa labas ng paaralan.

Grade Six pa ako. At normal lang sa edad ko na maglakwatsa kung saan-saan. Okay lang naman dahil mamayang hapon pa ang susunod naming klase. And to kill the time, we thought of strolling around.

Hindi ko nga rin alam bakit pumayag ako. Nakakapaso ang init ng araw ngayon lalo na’t tanghaling tapat. Ang pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang naiinitan ako. Kaya di ko alam anong pwersa ang nagpapayag sa aking sumama sa kanila.

Siguro dahil gusto ko silang makasama. Gusto kong mag-bonding kami sa labas ng school.

Ewan ko. Basta ang alam ko pumayag akong sumama sa kanila.

Kung ano-ano na ang napag-uusapan namin at talagang nag-eenjoy kaming maglakad-lakad kaya di namin namalayang nasa isang tahimik na kalye na kami. Tanghaling tapat at tahimik ang mundo ng street na napuntahan namin. Kaya nagustuhan namin agad ang lugar. Naghanap kami ng mauupuan dahil napagod kami sa kakalakad at para magpahid na rin ng pawis.

Tahimik lang kaming nakaupo sa isang tabi nang makakita si Gelly ng isang matandang babaeng papalapit sa direksyon naming lima.

Nakaitim yung matanda. May belo siya sa ulo, maaaring proteksyon sa sinag ng araw.

Ngumiti siya sa amin.

Kami naman, dahil hindi inaasahan ang biglang pagdating ng matandang babae, di malaman ano’ng gagawin.

Nang makalapit na sa amin ang matanda, pinaupo namin siya sa kinauupuan namin para makapagpahinga rin siya.

Nararamdaman ko na ang tensyon na nanggagaling sa kambal kong mga kaklase. Si Heizel at Hanzel. Pareho silang babae. Matatakutin talaga ang dalawa pero nakipag-usap pa rin kami sa matanda.

I really have to say the situation was creepy.

We didn’t know where that old lady came from. We never really noticed anyone near us when we were sitting around. And then, suddenly, there she was, standing from a distance looking at us and started coming toward us.

I knew each one of us felt the creepiness but no one said anything.

We didn’t show any kind of fear or anything of the sort towards the old lady. Kahit na medyo may kakaiba nang pumapasok sa isip namin.

It did make me feel guilty to think that the old lady might be some kind of a witch or a monster or something else. It was stupid to think so.

But if you were with us, same age, same place, you would have felt the same.

Magalang kaming nakipag-usap sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang naming lima na hinuhulaan na niya kami.

Hindi ko alam paano nangyari. Hindi ko alam paano napunta sa paghuhula ang lahat pero nakaupo pa rin kaming nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

I couldn’t vividly remember all her predictions. I knew I didn’t believe her. I knew I didn’t even after the creepy situation. I just knew, deep inside me, I only tolerated listening to her to be polite.

I really didn’t believe her.

But for some reason I couldn’t understand…

For some strange reason, there’s one, the only one, of her many predictions about my future I couldn’t seem to forget…

And that’s when she said…

MY FUTURE HUSBAND IS A DOCTOR.

My Future Husband Is A DoctorWhere stories live. Discover now