They sleep at separate rooms. My mother is even sleeping with random people na hindi kasali sa circle na ginagalawan namin. I know because I caught her. Minsan sinasama nya pa ako sa office niya at iniiwan doon habang ito ay pupunta sa adjusting room ng office nito kasama yung kung sino man na lalaking nakuha nito sa kung saan. Babalikan nya lang ako pagtapos na sila.

While my father? He is a normal businessman. Mabait nga sakin yung secretary nito na buwan buwan yatang napapalitan. Si Mommy pa yung nagtatanggal ng mga secretary ni Dad dahil masyado na daw mainit sa mata ng mga magulang nito yung mga babae nito. Madalas din kasi ay sinasama ako ni Daddy pag walang pasok sa eskwela para matuto ako sa pasikot sikot ng negosyo namin. Tinuturuan nya ako kung paano pag-aralan yung kilos ng mga empleyado namin.

Minsan tinanong ko si Grant kung ano ba yung madalas pag-awayan ng mga magulang nya. Ang sabi nya, pera daw ang madalas na rason. Pero kami, madami naman kami noon. Nung tinanong nya ako pabalik, sinabi ko lang yung madalas ibilin sakin ni Mommy. That our family is perfect. Mahal na mahal nila ni Dad yung isa't isa. Mayaman kami at walang problema.

Sabi nila, pag sinabi mo daw sa iba kung ano yung totoong nangyayari at nararamdaman mo, people will just use it against you.

"Look at Kyeroh's movements. Mahina yung depensa ng kaliwa nya." Itinuro ni Dad si Kuya Kyeroh na naglalaro at naghahabol ng bolang hindi nito nasalo ng raketa nito. "Learn your opponent's weakness, Alli. Use it at your advantage. To be the best, you need to observe and observe and observe. You should depict their movements. You should be able to read their strategy. You should outplay their gameplan. Pag lalampa-lampa ka, magagaya ka sa Mommy mo na puro ganda lang ang alam. Bukod dun, wala na. What a waste. You should own the world. Make that difference."

What's good in owning the world when you have to defend yourself against every single person in it?

Bata pa lang ako, sinasabi na ni Daddy na dapat kilala ko lahat ng nakakasalamuha ko. Dapat alam ko yung pangalan nila, alamin ko kung saan sila magaling at mahina. Until it became a routine I always do. Madalas pag napapatingin ako sa tao, nirerate ko na nga sila sa utak ko base sa itsura, tindig, pananamit, at pagsasalita nila.

"Pagod ka na?" Pagkasabi nito niyon ay lumapit na ito sa bleachers at inayos yung mga gamit namin. "Tell me Alli, what is the other word for tired?"

Loser.. That's the other word for being tired. Accepting defeat. In a game, when your body craves rest, you're creating a room in your mind on accepting the possibility of losing.

Napalunok ako nang salubungin ko yung tingin niya. Halatang galit ito dahil sa pagpapakita ko ng kahinaan kanina.

To my father, I should be tough and resilient. I should work my ass off to seek validation and approval. Be the best. Just the best.

"I think I can still play for an hour, Dad."

What I've said made him smile.

"Ganyan. Dapat ganyan, Alliston. I am not raising a weakling in my own house."

Nagstretch ito habang pinupunasan ko pa yung pawisan kong mukha at leeg. On my peripheral vision, I saw the way Kuya Kyeroh got hit by the ball on his face dahil naagaw ng babaeng kapapasok lang ng gym yung atensyon nya.

Ate Louella. Aria's sister.

"Hi Tito Tony." Bati pa nito kay Daddy na kumaway pa habang kasunod nito si Aria na napatingin din sa gawi ko. "Are you still training Alliston?" Ngumiti pa ito sakin.

Napasimangot naman ako. Nakakainis kasi yung ngiti nito. Parang laging nang-aasar. Nagsimula iyon ng mahuli nya akong umiiyak noon dahil hindi ako binilhan ni Mommy ng toy na gusto ko. Simply because Dad requires me to be the best in class. But that's impossible dahil mula ng dumating si Grant ay hindi na talaga ako pumangalawa man lang kay Samantha Callaghan. Noon medyo napapantayan ko pa si Kayleigh Montello sa ranking kaya nagiging pangalawa ako kahit paano.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon