P R O L O G U E

18 1 1
                                    

Nagising ang batang si Samantha dahil sa lakas ng ulan sa labas, dali-dali naman syang bumaba sa kanyang kama at lumapit sa bintana para lang makita ang isang madilim na kalangitan.

'Gabi na pala?' sabi nya sa kanyang isipan.

Paalis na sana sya sa harap ng bintana ng maaninag nya ang mga kotseng sunod-sunod na pumapasok sa kanilang mansyon.

'May party ba sila mommy at daddy?' tanong ng batang isipan ni Samantha.
Lumabas sya ng kanyang silid upang batiin sana ang mga bisita ng kanyang mga magulang ng may narinig syang nag sisigawan sa kanilang sala.

Narinig nyang galit na galit na sumisigaw ang kanyang daddy at humahagulgol naman ang kanyang mommy.

Pababa na sana sya ng kanilang hagdan ng makarinig sya ng sunod-sunod na putok ng mga baril at sigawan ng mga tao sa baba. Nagmadali ang mga paa ng batang si Samantha pababa ng hagdan kahit na hindi nya alam ang madaratnan nya doon.

Ngunit hindi pa sya tuluyang nakakababa ay napako na ang kanyang mga paa dahil sa kanyang nakita.

Nakita nyang nakaluhod na umiiyak ang mommy nya sa harap ng kanyang daddy na naliligo sa sarili nitong dugo. Punong-puno na din ng dugo ang kamay at damit ng kanyang mommy.

Hindi alam ng murang isipan ni Samantha ang maari nyang gawin dahil naguguluhan sya sa mga nangyayari. Nakita nyang humarap ang kanyang mommy sa lalaki na may hawak na baril, at tinutok ito sa noo ng kanyang mommy. At tuluyan na ngang bumagsak ang wala ng buhay na katawan ng kanyang mommy sa tabi ng kanyang daddy.

"Mommy!!!" sigaw ng batang si Samantha. Pababa na sana sya ng biglang may humatak sa kanyang kamay at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang panyong may pampatulog.
Bumagsak ang katawan ng batang babae sa braso ng isang lalaki at dinala ito palabas ng mansyon.

AUTHOR's NOTE:
Sana nagustuhan nyo yung umpisa♡♡♡

Blind Tigress (EXO FF.)Where stories live. Discover now