"Ayos ka lang, Miss?" Ted asked, mabilis naman akong tumango, medyo gulat pa rin sa pagkakadikit naming dalawa ni Atlas.

"Oo," I licked my lip and nodded. "Nawalan ako ng balanse tapos tinulungan ako ni Atlas."

"Oh," tumango pa ang dalawa.

Tinulungan ni Josh si Atlas na makatayo at napuno ako ng pag-aalala nang ngumiwi siya.

Magsasalita sana ako pero tumingin kaagad siya sa akin.

"Ayos ka lang?" he asked, kinuha niya ang saklay niya roon at nangingiwi pa pero pumunta sa akin.

I saw Ted looking at me, his eyes are curious yet filled with concern.

"Lia--"

Nawala ang boses niya nang biglang humarang sa harapan ko si Atlas at natakpan ako.

"Sorry," he said in a low voice, only the two of us could hear.

Tumango ako at sumulyap sa may paa niya.

"Ayos..." I looked at his eyes and his lips lifted and he nodded.

"Kasalan 'nung hagdan, sana nag-slide na lang muna siya para hindi ako tumalbog." He smirked.

Hindi ko alan pero bigla akong natawa, ngumuso siya at nakita ko ang aliw sa mga mata niya."

"Pumunta tayong clinic?" mahinang sabi ko.

"Hoy, Atlas, nuod ka na ro'n, hinahanap ka ni coach." I overheard Josh.

"Mamaya, wait." Aniya na hindi sumusulyap at halos hindi na ako nakahinga nang mas inilapit ni Atlas ang bibig sa may tainga ko at bumulong.

"I'm fine, Lia." he whispered, his baritone voice filled my ear. "Sorry too, babawi ako."

"Hoy, mamaya na 'yan!" napahiwalay siya sa akin nang hilahin ni Ted ang shirt niya kaya napaatras siya.

"What?" he frowned.

"Hinahanap ka na ni coach, tara!" he said.

Nagkatinginan pa kami muli ni Atlas, nakita kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi na nagawa at napaatras na.

"Bye, Lia." I saw how he flashed a handsome smile.

Magulo ang kanyang buhok, may nahuhulog sa kanyang noo dahil wala ata siyang suklay.

"B-bye," lumunok ako at unti-unting ngumiti.

Tinulungan kaagad ni Josh si Atlas, nakita kong nagtagal pa ang tingin nito sa akin kaya muling kumalabog ang puso ko.

"Una na kayo," ani Ted, kapit-bahay namin siya kaya minsa'y nagkakausap kaming dalawa at nagkakasabay sa tricycle patungong eskwela.

"Bakit?" Josh asked.

"Check ko lang si Lia--"

"Akala ko ba hinahanap na tayo ni coach?" I heard Atlas said kaya napaharap sa kanya si Ted.

"Mamaya na, Atlas, susunod--"

"Let's go," I saw how his playful eyes turned a bit dark and annoyed.

"Mamaya na nga--"

"Mamaya na 'yan, Ted! Magagalit na si coach!" pasubali pa ni Josh kaya suminghap si Ted at tumango.

Nakita kong nagtagisan sila ng tingin ni Atlas, I saw him shook his head and glanced at me.

"Ayos ka lang, Lia?" mabilisan niyang tanong kaya tumango ako.

"Oo," mahinang sabi ko.

"Tara na!" mas kumunot ang noo ni Atlas, parang gusto atang maglakad pabalik na walang saklay pero napangiwi sa sakit.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon