"Ah, ganoon ba.." napakamot siya sa batok niya. "Next time, okay lang ba? Bukas? Pwede ring after dismissal—"

Inis na tinampal ni Shin ang balikat ni Tommy at tinaasan siya ng kilay. Wew, feeling maangas.

"Don't try to hit on my best friend, Tommy."

"What? C'mon dude, you're being possessive! Hindi naman kayo, ah? You have no say on who courts her!" Mukha namang sineryoso ng lalaking ito ang sinabi ni Shin dahil mukhang napipikon ang mukha niya.

Ngumisi lang si Shin. Tinapik niya ang balikat ni Tommy bago sila lumapit ni Chris sa akin. "You know, what? Think about what you've just said. Because as far as I can remember, we both have a say on who we date."

Pagkatapos noon ay nagwalk-out si Tommy. Mayroon ding mga nagtatawanan sa paligid, narinig siguro ang mga kayabangan ni Shin. Medyo mga usisero't usisera sila sa part na 'yon, ah.

Nang makalapit sa akin ay sabay-sabay na kaming lumabas ng building. Ngising-aso kong kinalabit si Shin. Bago pa siya makaharap sa akin ay ako naman ang siniko ni Chris at tinaas-taasan ng kilay.

"Ewan ko sayo, Chrissy boy. Bakit ka nga ba kasama ni Shin, eh magkaiba kayo ng course? Luh, nag-cutting ka, ano?"

Nagform siya ng ekis sa harapan niya. "Hoy, magkaklase kami sa isang minor subject, 'no. Judgemental, amp."

"Don't date that Tommy guy, all clear?" biglang sabat ni Shin. Luh, medyo KJ siya sa part na 'yon. Nag-aasaran pa kami ni Chris, eh!

"Possessive. Crush mo 'ko, 'no?"

"Agreed with Sof. Same question." sang-ayon ni Chris. Nang-aasar pa ang tingin niya kaya siniko ko siya. "Ow, pucha!"

Nagkatinginan kaming tatlo habang naglakad. Nagtawanan kami ni Chris habang si Shin naman ay maasim ang timpla ng mukha. Daig niya pa ang calamansi juice na ininom ko kaninang umaga.

"You're reading too much cheesy pocket books, Ploy. Nagiging assuming ka na rin. For your information, Tommy is a f*ckboy. Ayaw ko lang makita ang mukha mong ngumangawa dahil naisahan ka niya."

I rolled my eyes. "And you're not a f*ck boy?"

"'Di 'yan f*ck boy, 'no!" Chris came to his defense. "Feeling f*ck boy lang 'yan dahil sa hitsura niya pero may respeto sa mga binibini 'yan! Tsaka birds of the same feathers flock together. Mukha ba akong f*ck boy?"

"Um, medyo oo."

"Grabe ka naman, Sof—"

Shin silenced us with a hand. "Nag-explain lang ako ang dami niyo nang kuda. Basta ako, sinabi ko lang na f*ck boy 'yong lalaking 'yon at 'wag mo nang i-entertain. Ayokong makasapak ng estudyante rito—"

"Defensive."

Kumunot ang noo niya. "I said I'm not—"

"Oo na, hindi na. 'Wag mo akong ini-english english dyan. ABE student ako, baka gusto mong ma-sample-an kita ng english with matching accent pa?"

"Yabang naman ng mga ABE student, lalo na 'yong mga babaeng ang pangalan ay Ploy." he groaned.

Pinandilatan ko siya ng mata at kinurot ang tagiliran niya. "Mas mayabang 'yong mga HRM student na possessive at defensive! Lahat ng mga mga sive na sa kanya na. Offensive, passive, etcetera!"

"Uh, can't relate." reklamo ni Chris. "Bye na nga! Nakisabay lang ako sa inyo pero may tatapusin pa talaga akong portrait."

Umirap ako kunwari. "Feeling naman nung kaibigan naming Multimedia Arts student! Edi sana all artistic. Ikaw na Chrissy boy, ikaw na!" sigaw ko habang papalayo na siya. Ni hindi man lang ako pinansin! "Hoy, snobber! Ang feelin— hmdowoppj!"

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now