“Bakit? Ayaw mo bang ikasal sakin agad?” May bakas ng lungkot ang mukha niya.

“Hindi naman sa gano'n pero diba parang ang bilis naman? I mean, hindi ba pwedeng palipasin muna natin ang buwan or taon?”

“What? No! I can't wait. Gusto ko na mabigyan ng kumpletong pamilya si Spiro. Yung legal at...” Tumaas ang kilay ko.

“At?”

“At kapatid.” Bigla siyang ngumisi kaya tinampal ko siya.

“Siraulo mo.” Humalakhak naman siya.

Kapatid daw? Bakit naman niya naisip na bigyan ng kapatid si Spiro? Sabagay, limang taon na din siya at kailangan na sundan.

“Anong araw na ba ngayon?” Tanong ko sakanya.

“Hmm. I'm not sure. First week of June? Why?” Napalunok ako. Hindi ako safe...

“W-wala naman. Nabibilisan lang ako sa araw.” Nahagip ng mata ko ang singsing na bigay niya sakin. “Dereck?”

“Yes?”

“Itong singsing, magkano ang bili mo dito?” Ngumisi siya.

“Bakit mo natanong?”

“Masama bang magtanong?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hmm. 16M lang ata. Why?” Nanlaki ang mata ko.

16 MILLION?! AT ANONG SABI NIYA? 'LANG'?!

Bumalik ang tingin ko sa singsing kaya pala medyo mabigat dahil mabigat din pala ang presyo. Ano na lang ang mangyayari sakin kapag naiwala ko 'to?!

“Siraulo ka ba? Bakit ka bumili ng ganito kamahal na singsing?!” Nababadtrip ako ha. Sayang ang pera! “16 Million 'yon!” Kumunot ang noo niya.

“And?”

“Anong and? Bakit ka bibili ng ganito kamahal, ha?”

“Nakalimutan mo na ba? I'm a billionaire. It's okay, my Brie. Isa pa, ayos lang 'yan. Mahal naman kita.” Ngumuso ako.

“Kahit na. Masyadong mahal ito. Ang daming pamilya ang nagugutom tapos ikaw winawaldas mo ang pera mo para lang sa singsing?”

“Bakit? Kapag ba hindi ko binili ng singsing yung pera ko mabubusog ba sila?”

“Hindi—aba! Siraulo ka!” Babatukan ko sana siya pero nahuli niya ang kamay ko at hinawakan ang isa pa.

“Will you stop doing it? Bakit hindi mo na lang ako halikan kesa sa batukan mo? Hmm?” Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya umatras ako.

“Tigilan mo nga ako! Lumayo ka!”

Pero hindi siya nakinig! Mas nilapit niya ang mukha niya sakin at may nakakalokong ngiti pa. Bigla akong napahiga sa tela at nasa ibabaw ko siya!

“Hmm. I like this position.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nilapit niya ang mukha niya sakin para mahalikan ako.

“Addy? Mommy?” Napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Spiro.

“Y-yes, baby?”

“What are you guys doing?” busangot ang mukha nito.

“Nothing. I'm just trying to kiss your mom.” Sabay ni Dereck.

“Kiss?”

“Yeah.”

“Like this?” Lumapit si Spiro at hinalikan ako sa pisngi.

“Hmm, yeah, but more intense.” Nanlaki ang mata ko habang kumunot naman ang noo ni Spiro.

He lifted up my chin and kiss me. Just a simple kiss.

“Like that.” Ngumuso at tumango naman si Spiro. “Only daddy can do that to mommy. If you saw someone who did the same, sabihin mo agad sakin so I can beat him up.”

“Yeah! I like beating someone.” Umirap ako sa hangin.

...

KINAGABIHAN ay naisipan kong imbitahan ang mga dati kong katrabaho sa nalalapit kong kasal. Sinabi ko rin na ipapadala ko ang invitations as soon as possible.

Sagot namin lahat mula sa hotel at maging sa pamasahe papunta sa Ilocos dahil doon naman kami ikakasal ni Dereck.

Dumating na din ang parents ni Dereck pero sa Jackson wala pa. Seriously? Asan ba 'yon?

Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Jackson pero nang tawagan ko siya ay wala namang sumasagot. Gosh. Hindi ko na alam kung saan napadpad ang isang 'yon? Kanina pa siya hinahanap ni Spiro.

“So, Brie. Kailangan niyo ba balak sundan itong apo ko?” Muntik na akong mabulunan sa tanong ng mommy ni Dereck.

Nandito kasi kami sa hapag at kumakain.

“P-po?”

“Bakit mo minamadali ang mga bata? Hayaan mo silang i-enjoy ang buhay nila.” Sabat ng daddy ni Dereck.

“Anong bata? Hindi na sila bata. Can't you see? Ayan at may nagawa na silang bata.” Napailing si Tito sa katwiran nito.

“Hanggang ilang anak ba ang gusto niyo?” Tanong pa ni Tita Elaine.

“Ten.” Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Dereck kaya hinampas ko siya.

“Siraulo ka ba? Mukha bang kaya kong manganak ng gano'n karami?” Sarcastic kong sabi.

“Oo naman. Yung iba nga kaya, ikaw pa kaya?” Umirap ako.

“Iba 'yon. Edi sakanila ka manghingi ng sampung anak.” Inirapan ko ulit siya. Narinig ko namang nagsihagikgikan ang parents niya.

“Tss. So hot headed.” Inirapan ko lang ulit siya. Wala akong panahon sa pagiinarte niya.

Marami pa kaming napag-usapan lalo na noong umalis ako sa poder ni Dereck at kung paano ako naging interior designer. Hindi binanggit ni Dereck ang tungkol kay Diego na ipinagsa-walang bahala ko naman.

“Mommy? I'm sleepy.” Ngumuso si Spiro at mukha ngang inaantok na ang baby ko kaya binuhat ko na siya pero ang kaso lang ay biglang sumulpot ang epal niyang ama at siya ang nagbuhat kay Spiro.

“Let's go to your grandma and grandpa's room.” Biglang nagpapapadyak si Spiro at mukhang may topak.

“No! I want to sleep with mommy! No! No!” Lumikot ito at naiiyak na. “Mommy!” Ganito siya kapag inaantok na.

“Hey, baby. Hush.” Kinuha ko siya kay Dereck. “Okay, you'll sleep with mommy and daddy.” Ngumiti naman si Spiro. Ngiting tagumpay.

Nakabusangot naman si Dereck kaya nginisian ko siya.

Inakyat ko na si Spiro sa kwarto namin habang nakasunod naman si Dereck. Mukhang badtrip pa rin siya dahil hindi siya makaka-score.

“Now sleep, Spiro.” Ngumiti siya at tumango bago isara ang mga mata niya. Hinalikan ko naman ang noo niya nang biglang may humila sakin.

He gently pushed me against the wall and then he kissed me. Patay ang ilaw at tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto namin.

“Uhm...” I moaned. He sucked and lick my tongue. His hands were traveling my body so I stop him.

“Why?” He asked with husky voice. “You don't like it?”

“Pass muna. Nand'yan si Spiro.”

“He's asleep.” Pagdadahilan niya.

“Kahit na. Let's just sleep tonight.” I caressed his handsome face.

I'm sorry, mahal ko. Kailangan mo munang magtiis ngayon.

LESSURSTORIES

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Where stories live. Discover now