“Hi, Ms. Brianna, nice meeting you.” Inabot niya ang kamay niya sakin.

“Nice to meet you too.” Inabot ko rin ang kamay ko sakanya.

“Where's the groom, anyway?”

“Uhm, nag-aayos pa siya.”

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating si Dereck. Nakakahiya! Kanina pa siguro naghihintay ang Interior designer na ito.

“So, let's start sa theme? Church?” Sabay kaming tumango ni Dereck. Bali ang gagawin lang naman namin ay sambitin ang gusto namin para sa kasal.

“Anong gusto mong theme?” Tanong ni Dereck.

“Hmm. I want it twilight, pero kasi hindi magandang tignan kung agaw dilim na ay nasa simabahan pa tayo at kinakasal. So, I decided na sa reception na lang ang twilight theme.” Tinignan ko siya. “Ikaw?”

“Anything you want.” Tumaas ang kilay ko sakanya.

“Hindi pwedeng puro gusto ko lang.” Inirapan ko siya. “Anong kulay ba ang gusto mo para sa kasal natin?”

“I want it blue pero mukhang mas masarap sa mata ang pink so... Yeah. Pink.” Kinunot ko ang noo. Sigurado ba siyang pink ang gusto niya?

“So, the wedding color is pink?” Tanong ng Interior designer.

“Light pink and white.” Sagot ko. Sinulat niya sa listahan ang sinabi namin.

“So, may napili na ba kayong church?” Nagkatinginan kami ni Dereck at sabay umiling.

“I want it in Ilocos.” Hinawakan niya ang kamay ko. “St. William's Cathedral Church of Laoag.” Napatango ako. Sa Ilocos pa? Well, pwede naman. Maganda doon.

Nang matapos ang meeting namin sa interior designer ay akala ko makaka-bonding ko na ang mag-ama ko pero may dumating na fashion designer para sukatan kami.

Seriously? Bakit parang minamadali ang lahat?

“Anong kulay po ng tux, sir?” Tanong ng fashion designer nang matapos niyang sukatan si Dereck.

“Hmm. Black.” Tumango ang fashion designer.

“Okay, ipapadala ko na lang po ang mga samples ng designs sa susunod na araw. Uhm, Ma'am, anong klaseng gown po ba ang gusto niyo? Off shoulder? Spaghetti strap? Backless?” I bit my lower lip.

“Spaghetti strap and backless—”

“What? Backless? Ayoko.” Tinaasan ko ng kilay si Dereck. Sasapukin ko 'to. Kainis, ha! Pati sa wedding gown ko pinapakielaman niya.

“Ewan ko sayo. Basta 'yon, Miss.” Tumango naman yung fashion designer.

“Sige po. Ipapadala ko na lang din sa susunod na araw yung samples ng designs.”

Nagpaalam na yung fashion designer pagkatapos ng meeting namin dahil sinabi ni Dereck na medyo rush ang lahat dahil gusto niya na akong pakasalan agad agad kaya mabilis din ang pag-alis ng fashion designer na 'yon para masimulan na ang sketch.

...

NANDITO KAMI NGAYON sa likod ulit dahil gustong mag swimming ni Spiro. Ang parents naman ni Dereck ay may papasyalan din. Gusto sanang isama si Spiro kaso mas gustong mag swimming ng bata. Si Jackson naman at hindi ko malaman kung saan nagpunta kaya kaming tatlo lang ang nandito.

“Bukas na natin i-meet yung maggagawa ng cake, invitations and—”

“Bakit ba parang minamadali ang lahat? Hello? Kahapon ka pa lang nag propose sakin. Hinay hinay lang.” Ngumiwi siya.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon