Chapter 4

14 0 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa ingay ng mga sasakyan. Umaandar na pala ulit ang sasakyan niya. Nang dahil sa pag iyak ko ay 'di ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog kanina. Naalala ko 'yung sinabi niya kanina.  As long as I'm here you're safe baby. Namula ang aking pisngi ng maalala ko 'yon. What the actual fck.  Really Dennise you blushed? ani ko sa sarili ko na tila akong nababaliw.

Napatingin naman sa akin si Matt. "What are you staring at?" tinig ng lalaki. Napabalikwas ako sa sa biglang pagsalita niya. Kanina pa pala  ata ako nakatitig sakaniya.

"Wala, assuming ka masyado." umiwas ako ng tingin dahil, hindi ko kinakaya ang kaniyang pag sukli ng titig, gusto niya ata kami mamatay dahil hindi siya tumingin ng diretso sa daanan.

"Asan naba tayo?" tanong ko sa lalaki.

"Malapit na tayo don't worry." pagkasabi niya no'n ay lumaki ang aking ngiti. "Excited huh." hindi 'yon tanong, kundi parang alam na alam niya na talaga na ako'y nanabik na. Napa-irap na lamang ako sa sinabi niya.

Naging matagal din ang naging byahe, ang akala ko pa naman dahil sa sinabi niya na malapit na kami ay kaya ako umasa na, malapit na talaga. Ngunit ng pag dating namin dito ay sinalubong kami ng mga workers dito.

Wala sa sariling napamangha dahil sa ganda ng lugar. Hindi ko first time sa Palawan ngunit parang first time ko ulit. 

"Tara na sa room natin." saad ng katabi kong asungot na lalaki.

"Natin? are you nuts?  ba't naman ako tatabi sayo, ikuha mo 'ko ng ibang room."  inis na sabi ko. Tumawa lang siya at inilapit ang mukha sa akin.

"Ano ka chicks? 'wag ka ng maarte tabi tayo sa ayaw at sa gusto mo." mayabang niyang sabi. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya, amoy na amoy ko siya at shit bakit ang bango ng lalaking 'to. Umiling siya at nag tungo na sa aming silid. 

"Dito ka sa baba." sabi ko, makapal na kung makapal ngunit ayokong makatabi siya.

"What?! incase you forgot, ako ang nagbayad ng tutulugan mo!" napakunot ang aking noo, ang kapal naman ng lalaking 'to! siya nag aya sa'kin dito tapos maninisi siya na, siya nagbayad!

"Hoy panget na Matthew! kung hindi mo ako inaya dito edi sana solo mo ang higaan, at solo ko din ang higaan sa bahay namin 'no!" pasigaw kong sabi. He sighed.

"Fine, dahil gentleman naman ako ay pagbibigyan kita, baby." malambing niyang wika. Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng marinig 'yon, baby . Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Stupid Dennise, stupid. Hindi na lamang ako sumagot dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. 

Mabilis ko namang inayos ang mga gamit ko, dahil umalis siya at ang sabi niya ay mayroon lang daw siyang aayusin at pag balik niya ay kakain na kami.

Humiga ako sa kama ng matapos kong ayusin at ilagay sa cabinet ang aking mga damit. Napabuntong hininga ako nang maisip ko nanaman ang nangyari kanina.

Wala ka dapat maramdaman sa mokong na 'yon Dennise duh ang panget naman ng taste mo kung magkakagusto ka do'n. Kausap sa sarili ko. Napahinto ako sa pag-iisip nang pumasok siya sa aming kwarto dala ang mga pagkain.

"Nainip kaba?" mahinahon niyang sabi. Umiling lang ako dahil hindi ako makapag salita ng maayos. Tumulong ako sa pag aayos ng aming pagkain. Habang nag aayos sa mesa ay muntik ko ng maitapon ang sabaw dahil sa gulat. "Easy baby, its just me." sabi niya. Yeah right its just you. 

Pinilit ko na maka alis sa kaniyang bisig, ngunit hindi ako nagtagumpay. "A-ano b-ba Matt, t-tumigil kanga." utal kong sabi. Fuck why Am I stuttering. I heard him chuckled.

"Hmm? what's with the stuttering baby." ani niya na inaamoy at hinahaplos ang aking buhok.

"Bumitiw ka sa yakap Matthew, h-hindi ako makahinga" na pinagsisihan ko agad ang aking sinabi, dahil bumitiw nga siya. Nakaramdam ako ng pagkadismaya sa sarili dahil, gusto ko ang mga yakap niya.

"Sorry." wika niya. Tumango na lamang ako at napamura. Mali 'to ayokong mahulog sakaniya. Ilang araw palang kaming magkakilala ngunit sobrang komportable ko na sakaniya. Napailing ako sa sarili. I will never be in love with this guy. Never. 



A/N: 

HI guys! namiss ko 'to! dami kasing naging ganap sa buhay kaya ngayon lang ulit hihi. MISS KO MAGSULAT! ENJOY READING! LOVE LOTS!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 08, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Be with youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang