Sorciere 6: Black Market

Magsimula sa umpisa
                                    

Napansin ng magtitinda na inilalagay ko lang ang mga binili ko sa loob ng aking bracelet. "Dito mo ba binili ang bracelet na 'yan? Mukhang ngayon ko lang nakita. Sino raw ang gumawa?" interesadong tanong ng lalaki.

Bahagya akong natigilan pero nagpanggap ako na binili ko ito sa black market. "Ah. Diyan lang. Hindi ko na naitanong kung sino ang gumawa. Maliit lang din naman ang capacity nito. Mahal kasi ang iba," palusot ko. But the truth was this storage was as huge as a house.

"Ah. Ganoon ba. Mukha kasing kakaiba," kibit-balikat na saad ng lalaki. Maging ang mga magtitinda sa lugar na ito ay nakasuot din ng maskara upang itago ang katauhan nila.

Nang magpunta ako sa dulong bahagi ng pamilihan, napansin ko ang isang stall na nagbebenta ng ilang lifestones. Most lifestones sold in this store were normal ones. Pero may ilan ding lifestone na nagtataglay ng mahika. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin na may nag-iisang kulay itim na lifestone sa itinitinda niya. Pero napansin ko na walang bumibili sa tindahang ito.

"How much for this black lifestone? Sino ang may-ari? Bakit ibebenta ang ganitong kahalagang lifestone?" sunod-sunod na tanong ko.

"These lifestones cost a fortune," sagot niya. Mukhang walang bumibili sa stall niya dahil masyadong mahal ang paninda niya.

"I want to buy some. But I need to know who owns them," sagot ko. Money wasn't the problem.

"Ah. For this black lifestone, it was owned by a Warlock who had gone astray. He is now in the dungeons. He's still alive because the lifestone is still whole," sagot ng lalaki. So I discovered why no one was interested in these lifestones. Because once the owners died, the lifestone would automatically turn to ashes.

These lifestones cost a fortune but there was no guarantee that these would survive for long. And since the owners were kept in dungeons, it was hard to control their lives as well.

Saglit akong nag-isip. I was already in my third year and most of the classes were divided depending on the magic categories. May kanya-kanyang klase na ang mga mag-aaral. And because everyone thought that my silver lifestone was useless, Sorciere Academy didn't have any special class for me.

Yesterday, I discovered I could control all kinds of magic but because I couldn't reveal the real power of this silver lifestone, I must attend all classes—or maybe sneak in some classes.

Naisip ko na magpaalam na lang kay Mistress Viola na magsi-seat in ako sa ibang klase pero hindi ako sigurado kung papayag siya. This was my second plan. To change the color of my lifestone and attend classes while in disguise and to collect some spell books for each category and study secretly.

"Do you think the owners can still live for more than two years?"

"The owners of these lifestones are still considered young."

"Then give me lifestones for each magic category and a normal one as well." Inilabas ko ang isang gold bar sa bracelet ko. "Sapat na ba itong kabayaran?"

Natigilan ang lalaking kausap ko at kapansin-pansin ang pamimilog ng mga mata niya. "Y-you should take a-all these lifestones. Your payment is excessive," nanginig ang tinig niya at agad na kinuha ang gold bar sa aking kamay upang itago. Ibinalot niya lahat ng lifestones na tinda niya at ibinigay sa 'kin.

Kinuha ko ang mga ito at itinago. I didn't argue because it was better to have some spares.

"Thank you."

Sunud-sunod din ang pasasalamat niya. Pumunta ako sa Seekers. Kailangan ko rin ng impormasyon.

"Anong maipaglilingkod namin sa inyo, binibini?" tanong ng isang lalaki. Base sa tinig niya, wala pa sa tatlumpo ang edad niya. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa maskarang suot niya. Matangkad siya at abo ang mga mata.

"Kailangan ko ng impormasyon tungkol sa isang tao," seryosong saad ko. "Magkano ang inyong serbisyo?"

"Depende kung anong impormasyon ang kailangan mo. At kung ano ang estado ng pamilya niya. Maaari ko bang malaman kung sino siya?"

"Erina Gromov. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa buong pamilya niya noong nakalipas na tatlumpung taon. Lahat ng akusasyon at pinagdaanan nila," sagot ko.

He checked the name on the crystal and searched the name in the repository. Natigilan ang lalaki. "Dati siyang parte ng royal family. Mahirap ang hinihingi mo. Limang daang libong pilak."

Tumango ako. "Kailangan na ba ng paunang bayad?"

Seryosong napatitig sa 'kin ang lalaki nang mapagtanto na seryoso ako. "Isang daang libong pilak," sagot niya. "Bumalik ka rito pagkalipas ng isang buwan. Ibibigay namin ang lahat ng impormasyon kapalit ng natitirang bayad."

Naglabas ako ng malaking supot ng salaping pilak mula sa storage bracelet ko. Ibinigay ko ito sa kanya at hinayaan siyang magbilang. Nang makumpirma niya ang bayad ko, gumawa siya ng kontrata gamit ang mahika, kaya sigurado akong hindi niya ako tatakbuhan dahil matutunton ko siya kahit saan man siya magpunta. Itinago ko ang kontrata at nilasan na ang Black Market. Bumalik ako sa bagong bahay ko kung saan natatanaw sa bintana ang magarbong palasyo ng Zithea at ang maliwanag at bilog na buwan.

Bukas babalik na ako sa Sorciere Academy para sa isang bagong simula.

***

Sorciere Academy: BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon