Chapter 35

14.6K 415 25
                                    

After 4 years..

"Mikaela!!" sigaw ni Hailey habang papalapit sa akin. Katrabaho ko siya dito sa  isa sa pinakasikat na Broadcasting & Media Company sa buong bansa.

"Oh bakit ganyan itsura mo?"

"Gaga! Magandang balita 'to!"

"Ano?! Bilis sabihin mo na! Wag mo nang patagilin! Dali na!" excited kong turan.

"Shuta manahimik ka kaya para masabi ko."

"Tagal mo kasing sabihin, ano nga kasi 'yon?"

"Narinig ko sila boss kanina at nabanggit ang pangalan mo!"

"Tapos ano?! Gagita ka diretsuhin mo na! Ang galing mong mambitin eh!" inis kong sinabi.

"Eh kasi di ba yung team ng jowa mo sa MBL nakapasok na naman aa Finals, narinig ko na ikaw ang ipapadala ng company para magcover sa laro nila next week!"

"Talaga?! Seryoso ka!" kahit hindi pa pinal ang balitang iyon dahil galing palang kay Hailey at hindi sa mga bosses namin, excited na ako dahil finally! Ito na ang pinakahinihintay ko!

Hindi naman nagtagal ay pinatawag ako ng aming head at pipapunta akonsa office ng aming boss.

Hindi ako nahirapan makapasok sa company na ito dahil na din sa background ko. 4 time MVP sa SAU Women's Baseball League, isang year na nag-cover ng mga sports event sa buong SAU at ngayon isa na sa mga regular sports reporter.

Ume-extra na din ako minsan sa pagiging sports commentator sa iba't ibang sports sa buong bansa gaya nalang ng basketball, volleyball, billiards, boxing ag iba pa.

Ako din ang palaging naatasan magcommentator kapag bino-broadcast dito sa bansa ang mga laro ni Theo at ng kaniyang team.

"Ma'am?" sabi ko pagkapasok sa office ng aming boss.

"I want to congratulate you Mikaela because majority of the board chooses you to cover the Championship game of Washington National and Los Angeles Dodgers." masayang wika nito.

"Talaga po?! OMG! Hinding-hindi po kayo magsisisi ma'am, gagalingan ko po." tuwang-tuwa kong saad.

Napakaimportante ng pag-cover ko dito lalo na at matindi ang impluwensiya ni Theo sa mga kabataan ngayon na mawili at matuto sa larong Baseball.

Sumikat ng husto ang larong ito matapos maibalita na matagumpay ang paglalaro ni Theo sa ibang bansa.

Kaya ganun nalang siguro ang pagpili sa magco-cover ng game na ito na maging ang mga boards ay nakialam na.

"Alam ko naman 'yon hija. Good luck!"

Dalawang araw matapos ang ibinalitang iyon sa akin ay narito na ako ngayon sa airport para sa flight ko papuntang Washington kung saan gaganapin ang unang laban sa finals. Pitong games iyon kaya matagal-tagal akong mag-stay doon.

Naloka nga ako dahil isang araw lang ako nakapagprepara para sa halos tatlong linggong pag-stay ko doon. Mabuti nalang at tinulungan ako nina Hailey at Lala.

Bukas naman ang flight ng family ni Theo at kahit gusto ko man sumabay ay hindi pwede dahil aattend pa ako sa presscon ng dalawang team bago ang nasabing finals.

Sinabihan ko din lahat ng aming kilala na huwag ipaalam kay Theo na ako ang magre-represent sa aming bansa para magcover ng kanilang laro.

At dahil matagal-tagal ang flight na ito. Natulog muna ako habang busy namang nagbabasa ang kasama kong camera man.

Pamilyado na si tito Raul at isa ito sa pinakanire-respeto kong camera man sa buong company. Madami siyang tips na binigay sa akin para mapaayos ang pagrereport ko at kung papaano maging confident sa harap ng camera.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Where stories live. Discover now