Chapter 14

16.3K 404 6
                                    

"Walang nangyari sa amin ni Theo doon." mariin kong tanggi sa mga kaklase ko.

"At that time humingi ako ng tulong kina Abigail at Lala pero hindi ko sila macontact. Nasira ang sports bag ko maging ang mga damit ko na nandoon kaya naman wala akong maisuot that time, and si Theo lang ang alam kong makakatulong sa akin since hinihintay niya ako. Humiram ako ng damit sa kaniya at pinahiraman niya agad ako. Look suot ko yung damit niya sa picture kasi wala akong maisuot that time. At ito.." pinakita ko sa kanila yung picture ng sira-sira at punit-punit kong sports bag na nasa aking locker.

Napasinghap naman silang lahat ng makita iyon. "Yan yung sirang sports bag ko."

Mabilis na kumalat ang issue na iyon pero agad ko iyong pinabulaanan sa mga kaklase ko. Kinuwento ko sa kanila kung ano ang nangyari at nagpapasalamat ako at naniwala naman sila sa akin.

Umalis na kanina pa si Theo at may gagawin daw ito para mawala ang issue na iyon. May tiwala naman ako sa kaniya kaya tumango nalang ako.

Pagkatapos ng aming klase ay may panibagong post na naman doon sa students page ng aming university.

"Apparently, the rumored about Theo and his girlfriend Mika are not true. Click these pictures to know more about that issue." isa-isa namang clinick ni Lala iyon at parehong-pareho ito sa mga kinuwento ko sa kanila kanina.

"Sino naman kaya ang walanghiyang naninira sa inyo ni Theo?" galit na usal ni Lala matapos basahin iyon.

"Hindi ko alam." mahinang sagot ko pero sa totoo lang ay may isang tao na akong naiisip kung sino ang posibleng gumawa ng issue na iyon.

"Base sa mga paninira nito, feeling ko matindi talaga ang galit niya sa inyo..lalo na sa iyo."

"Hindi ko alam Lala, pero ayoko nang alalahanin pa iyon." mahina kong saad dito at naintindihan naman agad nito ang nais ko. Ayoko nang pag-usapan iyon dahil dumadagdag lang ito sa sakit ng ulo ko.

Natapos ang buong maghapon na halos pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng madadaanan namin ni Lala. Kulang nalang ay tusukin na ni Lala ang mga mata nila dahil ang iba sa kanila ay tingin mapanghusga.

Tinext ko sa Theo na diretso na kami ni sa condo ni Lala at sinabi nitong susunod daw ito pagkatapos ng kaniyang klase.

Kasalukuyan kaming nagnonood ng movie ni Lala nang biglang may kumatok sa pintuan namin. Nagvolunteer naman agad si Lala na siya na ang magbukas ng pinto at nakatanaw lang ako sa kaniya hanggang sa makitang pumasok si Peter.

Napangiwi pa ako nang salubungin ni Lala ng mahigpit na yakap si Peter.

"Kapatid! Maghinay ka, di mo pa asawa yan." biro ko kay Lala.

"Huwag kang mag-alala kapatid, doon din ang bagsak non." nakangising sagot ni Lala nang makabalik na ito at kumandong kay Peter na nauna nang umupo sa couch na inuupuan ni Lala kanina.

At talagang kumandong pa ang gaga. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin ito sa akin pero bumelat lang ito sa akin. Babatuhin ko na sana siya ng magtext si Theo sa akin.

Nasa baba na daw ito kaya lumabas agad ako ng condo at saka tinawagan ito.

"Wag ka nang umakyat dito. Bababa na lang ako. Wait mo ako sa car mo." sabi ko at nagmadaling sumakay sa elevator pababa.

Tinext ko si Lala at binilinan na umayos ito at mawawala ako sandali.

Pagkababa ko ay agad akong pumunta sa parking lot sa kinaroroonan ng kotse ni Theo. Nang makita ko ito ay agad akong nagtungo doon at saka binuksan ang pinto sa tapat ng kaniyang drivers seat.

Nagtataka naman ito na iyon ang binuksan ko at hindi ang kabila pero nainggit kasi ako sa sweetness ni Lala at Peter kanina kaya naman pumasok ako sa kotse nito at paharap na kumandong kay Theo na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin.

Ngumiti lang ako ng matamis sa kaniya bago siya niyakap ng mahigpit.

"Why are you so clingy right now baby?" bulong ni Theo sa aking tenga dahil nakatago ang mukha ko sa bandang leeg niya habang mahigpit pa rin siyang yakap.

"Na-miss lang agad kita." sagot ko habang nasa ganung posisyon pa din.

"I miss you too." sinserong saad nito kaya naman napangiti ako nang maalalang magkasama lang kami kaninang umaga.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong kagatin ng marahan ang balikat nito. Nakasuot lang kasi ito ng loose shirt kaya naman mabilis na nahawi ang damit nito at magpakita ang pagitan ng kaniyang leeg at balikat.

"Ouch! such a sadist." reaction niya matapos kong kagatin iyon. Natawa lang ako pero agad kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at saka siya binigyan ng mabilis na halik sa mga labi.

"How's my sorry?" malambing kong tanong habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

Napangisi naman agad ito. "Not convincing." bulong nito sa akin kaya naman napasimangot ako sa kaniya.

Natatawa nitong pinisil ang nakapout kong labi bago hinalikan iyon.

"Tampo agad." saad nito. Hindi naman ako nakatiis kaya niyakap ko siyang muli at ganun din ito sa akin dahil naramdaman kong ipinalibot nito ang mga kakay sa aking bewang hanggang sa aking likod. Mas hinigpitan nito ang yakap namin.

"Masiyado mo naman akong inipit, hindi na ako makahinga." reklamo ko kaya medyo niluwagan nito ang pagyakap sa akin.

"How's your day?" natawa ako sa aking isipan na ngayon lanv nito naitanong iyon dahil nauna pa kalandian ko kaysa sa pagkamusta din sa kaniya.

"Okay lang naman. Hindi ko nalamg pinagtuonan ng pansin yung issue sa atin."

"Good." ngumiti ito sa akin at saka hinawi ang takas na buhok sa aking mukha at ikawit iyon sa likod ng aking tainga.

"Sa tingin mo, makakapaglaro kaya ako sa mga official match?"

"Of course baby. Trust me, you're fully capable to be a starter so trust yourself too, okay?" he sounds so convincing kaya naman tumango agad ako sa kaniya at itinagong muli ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat nito.

"Next week, we'll conduct a special training camp for all the regulars." anunsyo ng aming coach.

Ibig sabihin lang nun ay excuse kaming lahat sa aming mga klase sa buong linggo at magfo-focus lang kami sa pagpa-practice ng baseball.

"After your training camp, doon niyo malalaman kung sinu-sino ang mga magiging starters sa inyong team. Nais kong seryosohin niyo ang training camp na ito dahil  tatlong linggo nalang ay magsisimula na ang season. Narinig kong seryoso ang Stuartz na makuha ang championship title ngayon sa Men's and Women's baseball kaya naman dapat tayong maghanda." tumango kaming lahat bago matapos ang meeting na iyon.

"Mag-iingat ka ha. Wag mong papabayaan ang sarili mo." madramang sabi ni Lala sa akin kaya binatukan ko ito. Kasalukuyan kaming nagbabasa ng mga future topics namin dahil isang linggo akong di makakaattend sa klase.

"Baliw ka. As if naman hindi ako uuwi dito, ang lapit-lapit lang ng Veindane." wika ko sabay irap sa kaniya. Nagpeace lang ito at saka ngumiti.

"Kidding aside, galingan mo ha. Ang dami mo nang pinaghirapan para makapasok sa mga regulars kaya dapat lubus-lubusin mo na din. Kailangan mong maging ace sa team niyo gaya ng boyfriend mo."

"Parang malabo namang mangyari iyon." pero sa loob ko ay gusto ko ding mangyari iyon.

"Hindi mo sigurado, makapasok nga sa baseball team nagawa mo kahit alanganin ayan pa kayang maging ace. Alam kong kaya mo yan. Tiwala lang kapatid. Nandito kami sa likod mo para magcheer." kumindat pa ito pagkatapos sabihin iyon kaya naman ngumiti ako ng tuluyan sa kaniya.

So blessed to have a friend like Lala.

**
J



Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Where stories live. Discover now