Chapter 7

16.8K 531 144
                                    

"As I have mentioned, Stuartz University Men's and Women's Baseball Team will come here next week for a tune up game. Even thought it's just a tune up game, I want you to be serious about it cause Stuartz won't invite any media without them preparing for this game. Understand?" ito ang pinakaimportanteng sinabi ng President namin.

"Also, regulars you'll have a practice later, and to those newbies, you'll just assist them on their next practice. That's all, the meeting is adjourned." pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ito.

Aayusin ko na sana yung bag ko para umalis na din nang mapansin kong hawak ko pa rin pala yung bottled water ni Theo.

"Ah..Theo, paano to?" itinaas ko yung hawak kong bottled water.

"Keep it." sabi nito.

Tatayo na sana kami para umalis nang biglang sumulpot sa harap namin si Abigail.

"Kuya Theo, pwedeng kami nalang ni Mika ang mag-assist sa inyo next practice?" sabi nito at sumulyap pa sa akin bago ibinalik ang tingin kay Theo.

"Okay." maikling sagot nito.

Napangiti naman agad si Abigail sabay tingin sa akin at saka kumindat. "Let's go, Mika."

Sabay na kaming lumabas ni Abigail. Naalala ko naman yung sinabi ni Lala kanina.

"So..Theo is your cousin?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa gate para umuwi. Wala na kasi kaming subject sa hapong iyon dahil may faculty meeting din na ginaganap.

"Yup..so don't be jealous na." natatawang saad nito.

"H-Huh?"

"Haha! Don't deny it Mika, you are so obvious. I saw how you look at my cousin and how you got jealous when he's talking to me."

"Ganun ba ako ka-obvious?" wala naman nang rason para ilihim iyon kay Abigail.

"For us girls, Yes. Ewan ko lang sa mga boys." kibit-balikat  nitong sagot.

Nang makarating kami sa labas ng gate ay nagpaalam na ito sa akin dahil naroon na daw ang sundo niya. Nagpaalam na din ako atsaka naglakad patungo sa condo namin.

Kasalukuyan akong naglalakad nang bigla na namang umulan at napatapik ako sa sariling ulo dahil hindi na naman ako nakapagdala ng payong. At dahil ayaw ko nang magkasakit ulit, sumilong nalang muna ako sa labas ng isang coffee shop na ngayon ko lang napansin.

Hindi naman ako mahilig sa kape pero pumasok pa din ako sa loob nito at tumingin sa menu nila kung anong pwedeng ma-order.

Nakita ko namang may hot choco sa kanilang menu kaya iyon ang inorder ko, nag-order na din ako ng isang veggie omelette dahil medyo gutom pa ako.

Umupo muna ako sa pandalawahang table habang hinihintay ang order ko. Tatawagin nalang daw nila ako kapag pwede ko nang kunin. Nasa pinakagilid ako nakapwesto kaya kitang-kita ko mula sa glass wall na katabi ko lamang ang malakas na ulan sa labas.

Kakaunti lang ang mga mga customers na nandito sa ngayon at karamihan sa kanila ay mga katulad kong sa Veindane nag-aaral base sa mga uniform na kanilang suot.

Kinuha ko na ang order ko nang tawagin ang pangala ko at dinala ito pabalik sa kinauupuan ko kanina. Dahil wala naman akong kausap, sinuot ko nalang ang earphone ko habang kumakain at paminsan-minsan ay tumatanaw sa labas.

Hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Nabulunan na naman ako dahil sa gulat nang makita kung sino iyon kaya agad kong kinuha yung hot choco ko pero napaso ang kamay ko dahil mainit pa pala iyon.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Where stories live. Discover now