Chapter 31

14.6K 396 6
                                    

"Bilis Mika!" nagmamadaling sigaw ni Lala sa akin habang tumatakbo kami papumta sa bus na papaalis na.

Hingal na hingal kami pagkatapos makasakay sa bus. Gusto kasi nitong si Lala na mauna kami sa stadium para makahanap ng magandang pwesto. Yung kitang-kita daw ang mga gwapong mukha nina Theo, kuya James at Peter.

Pero ganun na lang ang pagkadismaya nito ng makitang sobrang haba na ng pila para sa bilihan ng ticket.

"Sabi ko kasi sa'yo bilisan mo eh." reklamo nito.

"Aba! Ako pa ang may kasalanan? Ikaw lang naman tong maarte." sumbat ko.

"Syempre maga-ala photographer ako mamaya dahil dito sa bagong camera ko, kailangan ko ng magandang pwesto."

"Oh siya sige, gagawa ako ng paraan."

Dahan-dahan at pasimple akong lumapit sa pinakaunahan pero nahinto ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"OMG! Si Mika!!"

"Halla pa-picture tayo bhie!"

"Ate Mika pwede pong magpapicture sa'yo? Sobrang galing niyo pong pitcher. Bagay na bagay po kayo ni kuya Theo." ay wow, winner na winner sa pagcompliment si ate girl na unang lumapit sa akin.

At dahil sa magandang papuri niya sa akin ay pinaunlakan ko ang pagpapapicture niya sa akin at sinundan pa iyon ng mga ibang nakapila doon.

Dahil nagkandarapa ang lahat sa pagpapa-picture sa akin, nakasingit si Lala sa pagbili ng ticket. Natanaw ko itong tuwang-tuwa habang inaabot ang bayad sa dalawang ticket na binili nito.

Nang matapos itong makabili ay doon na  ako nagpaalam sa mga nagpapapicture sa akin atsaka tumungo sa gawi ni Lala na ngiting-ngiting naghihintay.

"Unexpected yun pero galing mo dun ha." natatawang sabi nito habang papasok na kami sa stadium.

"Nagustuhan ko yung sinabi nung isang babae kanina eh, syempre marupok ako, kaunting compliment lang tumataba na puso ko."

"Narinig ko nga yung sinabi nun. Galing niya mambola ha." biro nito.

"Kainis ka. Wag ka ngang kill joy."

Nang makaupo kami ni Lala doon sa gusto niyang seat ay agad nitong nilabas ang bagong camera para picturan muna ang mga crowd na ngayon ay panay nakasuot ng kulay dilaw.

May mga ibang kumakaway at ngumingiti kapag pipicturan ni Lala, yung iba naman ay parang wala lang at kunwaring nakatingin sa field kung saan hindi pa lumalabas ang mga players.

Nang magsawa ito sa kakapicture ay umupo na ito sa tabi ko at hinintay na namin ang paglabas ng mga players para sa mangyayaring laro.

Mas madaming talagang audience kapag mga lalaki ang naglalaro.

Hindi naman nagtagal ay sabay na lumabas ang dalawang team kaya naman sabay ding naghiyawan ang mga supporters ng dalawang team.

Dahil doon ay mas lalong nakakaexcite ang mangyayaring laban.

Matapos ang kanilang warm up ay nagsipuntahan na ang Veindane sa kani-kanilang pwesto sa field dahil sila muna ang nasa defense.

Papunta na din si Theo sa gitna dahil sa siya ang pitcher.

Matinding hiyawan naman ang maririnig habang naglalakad ito at halos lahat ng maririnig mo ay ang kaniya-kaniyang tilian ng mga babaeng naroon ngayon para manood.

Syempre hindi naman kami nagpatalo ni Lala at may ginawa pa itong banner para sa mga boyfriend namin kaya naman sabay kaming tumayo para icheer silang dalawa.

Cheerful Pitcher (Sporty Princess #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ