Chapter 3

55 3 0
                                    

         "The Bachelor's Mystery"

Gamit ang dila’y binubuksan niya ang aking bibig at may balak pasukin ito habang ang isang kamay ay nasa puwitan ko na at marahan itong hinahaplos.
Paglingon ko sa digital clock sa pader ay napatigil ako dahil alas nuebe na at malayo pa ang school ko rito. Na kahit alas onse pa ang pasok ko ay paniguradong ‘di ako aabot lalo na at traffic na panigurado.

Bahagya ko siyang naitulak at lumayo ako. Nagulat siya sa aking inasta.

“I’m sorry Haze. Nabigla kita-

“No sir. Umh I-I have a class at exactly 11 and I’ll be late if I will stay here. Thanks for the break-
‘Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nagtungo siya sa coffee table at kinuha ang suit doon kasama ng susi. Shit. Sabi na eh. May trabaho siya.

“S-sorry sir. Mukhang pati ikaw ay nalate na sa trabaho” saad ko sabay talikod patungong elevator.
Bumukas ito agad at magkasunod kaming pumasok. Sa lobby ang pinindot ko at sa 34th floor naman sakanya.

“Sumabay ka na sakin dahil sa SAC din ang punta ko.” Balik sa seryoso ang tono niya at ngayon ay mukhang galit.

“No need si-

“don’t be stubborn. Malelate ka kapag ‘di ka pa sumabay.”

Bumukas ang elevator sa 34th floor at inakbayan niya ako. Giniya palabas. Laking gulat ko nang makitang napakaraming sasakyan doon at nasigurong parking lot iyon.

Gamit ang alarm ng kotse ay pinatunog niya ito tsaka umilaw ang isang sasakyang ‘di ko mapangalanan dahil ‘di naman ako pamilyar sa mga ‘to.
Binuksan niya ang passenger’s seat tsaka tinuro ang loob.

“Sakay na. I’ll bring you to school. Huwag kang matakot.” Ewan ko kung bakit parang badtrip siya.

“Thank you” ang tanging nasambit ko dahil sa takot at hiya.

Takot dahil baka isusumbong niya ako sa school dahil sa bilis kong matukso sa kagaya niya at hiya dahil ngayon lang totally nagsink in sa aking isipan ang nangyari kanina.

I had an orgasm without him touching me at nakipaghalikan pa ako sakanya. Nakakahiya. Uminit nalang bigla ang pisngi ko.

“Stop thinking. I’ll not report you in your school and what happened is just nothing. Don’t stress yourself thinking about it.” Saad niya at napalingon ako agad sakanya.

Doon ko lang napansin na nakalabas na kami ng building na ‘di ko man lang namamalayan. He’s taking an unfamiliar route but I know it will lead us to school.

Tahimik lang ako buong biyahe at ‘di mawaglit sa aking isip ang kahihiyang pinasok ko. Nilingoon ko siya at seryosong seryoso lang sa pagmamaniobra ng sasakyan.

“Sir, yung nangyari. Uhm. Hindi ako-

“it’s fine Haze. It’s not your fault, ok? I was the one who made a move.” Aniya kaya tumigil ulit ako.
Dahil sa inaasta niya ay napuno ng katanungan ang isip ko.

Bakit ba parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol don? Naturn off kaya siya sakin? Akala ba niya ay nagpapakipot lang ako? Anong klaseng babae kaya ang tingin niya sakin? What does he feel about me? Ang alam ba niya ay kapit-patalim akong estudyante?

Sa biyahe ay may mga tawag siyang sinagot at ‘di ko naman sinasadyang mapakinggan ang mga ito. Mayroong ukol sa business, may nakausap rin siya tungkol sa security ng isang tao, may mga tinwagan din siya para padagdagan ang seguridad ng isang politico, meron ding tumawag para mag-appoint ng meeting sakanya na sinupladuhan niya at anito’y ang kaniyang sekretarya ang kaniyang kausapin.

Playing with His GameWhere stories live. Discover now