Prologue

117 3 0
                                    


“Please Xander take me away from here. Ayoko na dito.” pagmamakaawa ko sa matalik kong kaibigan habang dala dala ang mga inempake kong gamit mula sa bahay ni Kristoff na asawa ko.

“what the hell happened? Alam ba ‘to ng asawa mo? You need to talk to him.” Pamimilit niya na lalong kinaasar ko.

“You know… I’m sorry. Sorry sa abala,kaya ko namang mag-isa” saad ko sabay takbo palabas ng bahay.

Nang tatakbo na ako pababang garahe kung nasan ang mga sasakyan namin, nakita ko si Lloyd, ang bodyguard ko.
“Lloyd, pasuyo naman please. Pakitulungan si Xander na buhatin yung mga kahon sa taas. Dadalhin ko kasi sa office.salamat” pagsisinungaling ko para makatakas.

“sige po ma’am. Pakihintay nalang po” agad na saad niya at pagkaakyat niya ay siyang karipas ko ng takbo patungo sa kotse ng asawa ko.

Mabilis akong nakasakay at pinaharurot ito habang nakikita ko sa rearview mirror na hinahabol ako nina Lloyd at Xander.

Habang nasa biyahe ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Di ko alam kung saan ako pupunta at gulong-gulo pa ang aking isipan. Basta ang sigurado ako ay gusto kong umalis at magpakalayo.

Dumiretso akong bangko para maglabas ng pera mula sa savings naming mag-asawa. Kahit alam kong halos pera naman lahat iyon ni Kristoff pero wala akong magagawa dahil kailangan ko ito para makapagsimula ulit.

Di ko na kailangang magtagal pa sa reception dahil kilala naman na ako rito. Agad akong pumasok sa opisina ni William ang aming pinagkakatiwalaan in terms of money transaction.

“Good afternoon Mrs. Dela Costa. How may I help you? Please take a sit” bati niya

“hindi ako magtatagal. I need to withdraw cash right now.” Mataray na saad ko dahil kinakabahan ako sa gagawin ko.

“ok. May I have the check please” alanganing sabi niya kaya nilabas ko ang checkbook, nagsulat ng amount at pinirmahan sabay abot sakanya.

Halatang nagulat siya siguro dahil sa laki ng perang ilalabas ko.
“Mrs. Dela Costa alam po ba ito ng mister niyo?” he asked

“n-no” nag-aalangan man ay sinagot ko ito

“I’m sorry ma’am but I need to call him. If you’ll excuse me” paalam niya agad bago tumalikod at magdial.

Narinig kong nag-ring ang cellphone at natiyak kong nakaloud speaker ito. After three rings, sinagot niya ang tawag. Agad akong kinabahan.

{oh William, is there a problem?} boses niya sa telepono

“Good Day Mr. Dela Costa. Your wife is here and she’s about to withdraw a big amount of money. I wonder if you know about this sir.”

{magkano ba? Just let her. Baka may kailangan siyang bilhin.}

“Uh.sir it’s 25 million pesos. And she wants the transaction right away.”

{Please give her the phone.}

“ma’am, kausapin daw po kayo” ani niya sabay abot sakin ng telepono

“H-Hello, Kristoff” nauutal ako shit

{what’s wrong wife? Are you ok?} tanong niya. Nananantiya

“o-ok lang” nabasag ang boses ko.
“I-I need to withdraw the cash Krist” nahihirapan man ay kinaya kong sabihin

{Is it about what happened last night? Please tell me we’re good honey.} ramdam kong nag-iingat siya sa ibibigkas

Hindi ako tumugon kaya napabuntong hininga siya

{Please give the phone to William honey} saad niya kaya iniabot ko sakanya ito agad

{Give anything she wants please} buntong hininga niya

“Ok Mr. Dela Costa” paalam ni William

“Mrs. Dela Costa, please wait for 10 minutes as we process the transaction. Take a sit and wait for your drinks.”maingat na sabi niya

“I’m in a hurry William I don’t want to waste time. I want it in 5 minutes” pagsusuplada ko ulit

“ok ma’am.5 minutes” pagtatapos niya sa usapan namin bago tumalikod at ayusin ang transaction.

After few minutes, William came back and gave me the bag where he put the money.

Nagtungo na ako sa sasakyan at umalis patungo sa tanging lugar na alam kong ‘di niya ako mahahanap at doon ko palalakihin ang magiging anak ko.

Playing with His GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant