Chapter 6

36 3 0
                                    

The Wanting Hazelyn

Habang nakikipagtitigan sa kaisa-isang lalaking nakagising sa tulog kong libido ay bigla akong hinila ni Aly patungo sa counter tapat na parte ng inuupuan ni Kristoff kung nasan ang dalawang lalaking tila naghihintay sa amin.

“Hey Dane.” Ani ng isang lalaki sabay pulupot ng braso nito sa baywang ni Aly

“This is Eunice my Bestfriend.” Pakilala niya sakin dun sa isa na mukhang mahiyain.
Gwapo naman. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at masayahing mga mata.

“Drecko Collins” pakilala nito sabay abot ng kamay para sa hand shake at tinanggap ko naman ito.

“Eunice Saavedra.” Saad ko naman. Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Kristoff at nakatalikod na ito sa dancefloor. Nakaharap samin at nasa akin ulit ang mga matang mapagmatyag. Tipong parang maling kilos lang ng mga nasa paligid jo ay sasakmalin niya ito. Di ko alam kung tama ang hinala ko o mali pero yun ang nababasa ko sa ekspresyon ng mukha niya.

Nag offer di Drecko ng tequila at tinanggap ko naman ito matapos makitang bago ang basong ginamit ng waiter at kabubukas lang ng bote. Mahirap na baka may ilagay diyan atmay masamang mangyari pa sakin. Sumimsim ako rito at nakakapasong init ang bumalot sa katawan ko.

“Gusto mo bang umalis dito? Magkape tayo. I know a place” saad ni Drecko pero syempre alam ko namang galawan yan kahit paano.

“I’m sorry but I’m fine here. Nag-eenjoy ako kasama ng mga kaibigan ko.”

“c’mon I wanna talk to you and know you more.” Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa aking tenga at agad akong umatras. Napatingin ulit ako sa likod ni Drecko. Kung nasan ang upuan ni Kristoff at nakitang mahigpit ang hawak niya sa baso.
Napalunok ako at umatras pa lalo.

“Excuse me. Restroom lang ako.” Paalam ko kay Drecko dahil ‘di ko na mahagilap si Aly.
Nang didiretso na ako sa cr ng mga babae ay may humablot sa braso ko at nagulat akong si Drecko iyon at mukhang galit.

“Inaanyayahan lang naman kitang lumabas Eunice. Huwag ka ngmagpakipot pa” nakakapanindig balahibong saad niya at nabigla talaga ako.

Hinihila niya ako patung cr ng boys at nagpupumiglas ako. “Ano ba! Bitawan mo ako. Nasasaktan ako.” Bigla niyang hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko at tinulak ako sa pader. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya sa taas ang dalawang palapulsuhan kong hinuli niya.

Dinala ang mukha sa aking leeg at dinilaan ito nang akmang sisigaw ako ay tinakip niya sa bibig ko ang isa pang kamay niya. Nang akmang hahalik siya muli ay

“Get your filthy. fucking hands. off her right now or I’ll break you into pieces.” Nakakatakot at napakaseryosong banta ni Kristoff mula sa likod ni Drecko.

Napalingon ito sakanya at babanat palang nang hawakan na siya ng dalawang bouncer.
Sa sobrang gulat ay nakatunganga lang ako doon at hindi ko alam kung paano magrereact.

“Are you fine Hazelyn?” tanong niya at napatango lang ako.

“Sa-salamat” tanging nasabi ko dahil gulantang parin

“Let’s go. I’ll take you home.” Aniya at hinawakan ang balikat ko sabay taas ng jacket kong muntikan nang maalis kanina.
Iginiya niya ako palabas at nakalimutan kong magpaalam kay Aly kaya siguro ay itetext ko nalang siya.

Paglabas ay may sasakyang naghihintay tsaka inabot sakanya ng valet ang susi. Ibang sasakyan ito doon sa sinakyan namin noon papuntang school.

“Get in.” utos niya pagkatapos akong pagbuksan ng pinto.
Sumakay ako sa front seat at pagkasakay niya’y inilabas niya ang sasakyan sa hile hilerang bar, pinaandar palayo ang sasakyan at tumigil sa tabi ng tulay kung saan kita ang naggagandahang ilaw ng Sta.Ana tuwing gabi.

Playing with His GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin