Chapter 4

40 3 0
                                    

         "The Jealous Bestfriend"
Exam week already started yesterday and I can say that I did well. One or two subjects per day isn’t bad because we’ll have enough time to review.
Hindi na rin kami pinayagang pumasok pa sa hardware para makapagfocus daw sa pagrereview kaya ginugol ko naman talaga ang oras ko sa pag-aaral para hindi masyadong mahirapan.

Natapos namin kanina ang isa pang major subject at nasa library kami ngayon nina Xander, Aly at Aubrey para magreviewparasa last exam naming ngayong araw.

“Hanggang ngayon ba naman hindi parin kayo okay na dalawa? Aba eh daig niyo pa ang magshota ah.” Basag ni Aubrey sa katahimikan dahil nagpahinga muna kami saglit para hindi torture sa utak.

“Ewan ko ba sa dalawang yan. Ang tataas ng pride.” Sabat naman ni Aly na paniguradong asar na asar na mula pa last week.

“Wala naman akong kasalanan ah. At kung mayroon man, hindi ko lang siya nahintay. At ‘di ko alam kung anong ikinagaganyan niyang si Xander.” Lakas loob na saad ko dahil nakasalampak naman ang airpods niya at parang naglalaro ulit ng kung anong online game.

“Nakita niyo kung paano ko sinubukang makipag-ayos pero siya itong kung umasta parang boyfriend na tinotoyo.” Nagsisimula na akong mainis.

“Nag-aalala lang naman ako. Pero nakapagtataka na ganon ka nalang magalit. Halatang may tinatago ka!” Nagulat ako dahil nakikinig pala siya.

“Hindi ako galit. Ikaw itong galit sakin at hindi ko maintindihan kung san ka nanggagaling. Sinusubukan kong intindihin ka pero kahit saang anggulo ‘di ko makita kung anong ikinagaganyan mo.” Bwelta ko at nagsisimula nang magligpit ng gamit dahil nasisiguro kong lalo lang kami magkakagulo ditto at hanggat maaari ay ako nalang ang iiwas.

“Anong hindi mo maintindihan sa nag-aalala lang ako dahil mahalaga ka sakin. Na ako ang unang masasaktan oras na may nangyaring masama sayo!” ‘Di na niya napigilan at sinigawan niya ako kaya nagulat ako at saglit na napatunganga.

“Maayos akong nakapasok sa school noong araw na iyon. Hindi nagkaroon ng problema. Ano pang kulang? At isa pa, huwag mo akong tratuhin naparang pagmamay-ari mo.” Tumayo na ako at umalis.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sakin kasabay ng mga matang nakasunod sa mga galaw namin at ang pagtawag ng librarian sa pangalan niya.

“Mister. Masiyado kang maingay kanina pa. give me your library card and write your name, course and---” ‘di ko na naintindihan pa ang ibang sinabi dahil inis na inis ako.

Napakababaw niya eh kaibigan ko lang naman siya.

I don’t actually understand why people put control over others. Nakakasakal.

Nasa isang gazebo ako malapit sa Department namin at doon itinuloy ang pag-aaral nang biglang may maglapag ng bottled water, cola at sandwich sa tabi ng libro na hinahighlight ko.

“Please eat and take a rest.
Mamayang 4pm pa naman yan.” seryosong saad nito tsaka umupo sa tapat ko.

Nakatitig lamang ako sakanya at nananantiya. Parang ang daming taon na ang lumipas nang huli kaming magkita. Tinignan ko ang meryendang dala niya at nagpatuloy ako sa pag-aaral.

“I’m sorry. ‘di ko naman gusto na magkaganito tayo eh. I’m just worried that’s why I became mad for no reason.” Paghingi niya ng paumanhin at nagulat ako doon dahil siya yung klase ng tao na hindi aamin sa kasalanan. Siya iyong taong hindi hihingi ng tawad dahil napakatigas pero nakakagulat na heto siya ngayon at nagsosorry sa harapan ko dahil sa napakaliit na bagay.

“You’re so irrational on that part kaya nainis ako. You pissed me off. I’m sorry too.” Saad ko at tumayo para yakapin ang kaibigan ko.
Pagkalapit ko’y naramdaman kong nanginginig siya at huli ko na natanto na umiiyak siya.

Playing with His GameWhere stories live. Discover now