Para Sa Aking Pamilya

709 4 0
                                    


Sa aking pamilya na tanglaw ay bawat umaga
Kalingang biyaya na sa aki'y ipinagkaloob ng Diyos,
Pundasyon sa pagbangon mula sa buhay na hikahos
Upang buhay na mapait ay maitawid sa hilaga.

Katulad ng pagmamahal ni Bonifacio sa tinubuang lupa
Buhay ay itinaya upang kalayaan ay talagang matamasa,
Ako naman ngayo'y handang sumuong sa maraming pagdurusa
Matiyak lamang aking pamilya sa buhay na payapa.

Para sa aking pamilya ay handa akong lumaban
Kahit anong oras hindi itataas ang puting bandera,
Lagi akong babangon at sasabak sa mga giyera
Upang maalwang buhay sa pamilya ko ay mailaan.

Poems (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon