Gitara

110 2 0
                                    

Sa tuwing tugtog ng gitara'y naririnig
Puso kong baon sa pagkasawi'y naiisip iyong imahe,
Bawat samyo ng tinig at awiting may himig
Ako'y nililipad sa nakaraang nilikom ng nakasisindak na gabi.

Simbolo ng pag-ibig mo ay isang gitara
Angking kwerdas huni ang puso mong manhid,
Bawat titik ng sambit mong kanta'y nakakapariwara
Dala nito'y haplos sa pag-ibig kong hindi mo naman batid.

Hiwaga ng iyong gitara ay mahirap kalimutan
Katulad ng kahilingan kong sa Diyos ipinagdarasal,
Maputol man ang awit ng gitara mong tangan
Handa pa ring puso mo'y pakinggan kahit iba ang iyong mahal.

Lumipas man at magbago ang ritmo ng pag-ibig ko sa'yo
Ika'y maaalala pa rin kahit hindi mo alintana,
Umasa man akong matapos na marinig ang pasaring mong tadhana
Puso nama'y hindi na luluha pa't mabibigo.

Ngayong muli mong isasayaw ang gitarang tangi
Paalam na aking alay sa iyong likhang musika,
Salamat sa lahat ng pagkakataong pinahiram mo kahit sandali
Minahal kita ngunit ngayo'y hindi na.

Poems (Mga Tula)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें