SE - 35

1.2K 30 2
                                    

35

Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayang sa makalawa na pala ang Christmas Ball ng Saint Haven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayang sa makalawa na pala ang Christmas Ball ng Saint Haven.

Samantalang parang kailan lang ay sasabog ang dibdib ko habang humahangos kami ni Sven, at ng iba pa niyang kaibigan dahil sa nangyaring aksidente kay Korin. Ni hindi ko narin maalala kung kailan nga ba iyon. At kamakailan nga lang din pagtapos ng insidente sa kanilang magkakaibigan, bigla na lamang nawala ang babae kasama si Pres.

Mariin kong pinikit ang mga mata. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na alam at hindi ko narin masundan ang bawat nangyayari sa mga taong nakapaligid sa akin. Dahil hangga't maaari ayokong hindi natatapos ang araw ko ng hindi patang pata ang aking buong katawan maging ang pag-iisip ko. Ayokong magkaroon ng espasyo o pagkatataong sumagi sa aking isip ang nangyari sa maliit na Chapel na iyon sa loob ng Ospital. Kung minsan sa kinakailangan ko pang pilit na pasiglahin ang pakiramdam sa harap ni Sven at ganoon din sa harap ni Silk.

Nahihirapan na ako.

Ngunit hindi naman maaaring magpatalo ako sa bigat na aking nararamdaman.

Isinandal ko ang ulo sa pader habang hinahayaang humahampas sa aking mukha ang malamig at mahinang samyo ng hangin. Mag-isa akong nakaupo sa rooftop ngayon dahil katatapos lang ng recording namin. Awa naman ng Diyos, kahit papaano ay napapansin kong medyo nagliliwanag na ang mood ni Silk. Kung noon ay palagi ko siyang napapansing mag-isa at tulala, ngayon kahit papaano ngumingiti na siya at nakikipag-usap narin sa iba.

Itinaas ko ang kamay sa kawalan at pinaglaro iyon sa sinag ng araw. Kung pwede lang akong bumalik sa nakaraan, pipilitin kong makabalik sa mga panahong lihim lang akong humahanga sa kanya. I shouldn't have talk to him, I shouldn't have smile back at him. Siguro, hindi siya aabot sa puntong muling babalik sa estado ng pag-iisip niya ngayon.

Mariin akong pumikit at humigit ng malalim ng hininga.

"Kung makabuga ka naman ng hininga parang napakabigat ng pinoproblema mo."

Mabilis na nagmulat ang aking mga mata at gulat na napalingon sa pamilyar na tinig na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. "Anee..."

"Bakit nag eemo ka dito sa Rooftop?" Sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Habang ako naman ay titig na titig sa kanya at nakaawang ang bibig. She's here and she's talking to me. Nang hindi pa rin ako umimik ay tumabi na siya ng upo sa akin at iwinagayway pa ang isang palad sa aking mukha. "Huuy!" She said. Amusement is written on her face. "Lex?"

She called my name. And It was like, that's was my safety pin. I didn't say anything still, but I hugged her tight. At sa pagkakataong iyon, tuluyan na akong napaiyak. Iyak na nauwi sa hagulgol. Pakiramdam ko lahat ng sama ng loob, lahat ng problema ko, lahat ng iniisip ko ay nagpatong patong na. Sapat upang halos ay hindi na ako makahinga sa paghikbi.

"Just cry Lex, sorry It took me long enough para lang magkaroon ng lakas ng loob na harapin ka." She then patted my head and gently rubbed my back na mas lalo lang nakapagpalahaw sa akin.

Sven's EponineWhere stories live. Discover now