Chapter 23

43 3 0
                                    

NAKATINGIN lang ako sa maamong mukha ni Kenzo habang ito ay nakapikit pa rin. Wala pa rin siyang malay. The thought of not hearing his voice was killing me every single time.

I yearned to hear him laugh, to see his eyes getting smaller while smiling, and to share meals together day and night. I badly wanted to be with him right now, smiling at me, laughing with me. Lahat.

But uncertainty clouded my mind as I had no idea when those moments would come back. Kenzo remained in a comatose state, and we never knew what to expect each day.

Kinakabahan ako. Natatakot. Na baka sa pagdilat ng mga mata ko ay may masama na palang nangyari sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ito madali sa akin. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil hindi na niya hinayaang maulit pa ang nangyari sa kanya isang linggo na ang nakakalipas.

Pero, sa loob din ng isang linggo, tuluyan nang nailibing si Nanay Eleanor.

I could only stare blankly at her coffin while men from their place solemnly carried it. Hindi pa rin ako makapaniwala. All of this... all this happened in just one particular day. Was that even possible? It was so much that it felt like an unbearable burden.

"Francine..."

Walang gana kong nilingon ang nagsalita sa likod ko dahilan para makita ko ang nag-aalalang mukha ni Avery.

"Kain ka muna," aniya. Sinubukan niyang ngumiti. "Kanina ka pa kasi nakaupo at tinitignan si Kenzo. May dinala akong mga pagkain."

"Salamat," sambit ko. Tumayo ako at binalingan siya. "Pero hindi ako nagugutom." 

"Pero—"

"May pupuntahan nga pala ako," putol ko. "Bantayan niyo muna si Kenzo, ah? Babalik din ako agad."

Napabuntong-hininga ito at ilang segundo pa ay mabagal itong tumango kahit kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

"We will," paninigurado niya.

Napababa naman ako ng tingin sa dalawang naglalaro sa lapag. Sila DJ at Ashley. Hindi katulad dati, nalilibang na si DJ ngayon kaya nagiging dahilan ito para hindi na siya magmukmok sa isang tabi. Idagdag mo pang bumisita si Ashley rito. Linggo ngayon at walang pasok. Sinamahan niya si DJ na maglaro ng robot-robot, ayun, mas naging masaya 'tong bata. Siyempre, pagsamahin mo ba naman 'yung dalawang maarte.

"Ash, DJ, may gagawin lang ako. Tignan-tignan niyo si Kenzo, ah?" Napatigil sila sa paglalaro at tinaasan ako ng tingin.

"Go lang. We will take care of him," nakangiting ani Ashley.

"Ingat po kayo," saad naman ni DJ. Muli akong ngumiti bago tuluyang umalis.

Pumunta akong sasakyan ko at iminaneho ito. Habang nagmamaneho, inilagay ko ang kamay ko sa baba ng aking leeg at hinawakan ang necklace na ibinigay sa'kin ni Kenzo.

I wanted to make things clear. I wanted this to be right. Na kapag magigising na si Kenzo ay wala nang problema, na pwede nang bumalik sa dati. Na sa pagkawala ni Nanay ay madadamayan ko na siya.

I needed him to know that my love for him was genuine. I wanted to make sure that he would not question my love anymore when he woke up. Kaya ako pupunta sa bahay nila Lance. I loved him for who he was, and not just because of his imperfect halo.

Nang nasa harapan na ng bahay nila ay agad na akong lumabas ng kotse. Huminga muna ako nang malalim bago pumunta sa pinto. Nang makapunta na ay agad akong sunod-sunod na kumatok.

It took a moment, and it was Lance's Mom who opened it up. Isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa akin na parang sobrang saya niyang makita ulit ako.

His Imperfect Halo (COMPLETED)Where stories live. Discover now