Chapter 11

47 3 0
                                    

WE were in the middle of a discussion with Mrs. Bienvenido when suddenly, a knock was heard from the door. Napatigil si Mrs. Bienvenido at naglakad patungong pinto. Binuksan niya ito at isang babaeng may hawak-hawak na papel ang bumungad sa amin. And as far as I knew, she was the SSG President of the university.

"Good afternoon po," she greeted.

"Oh, Ms. Zapanta, what brings you here?" ani Mrs. Bienvenido. Right, Zapanta was her surname.

"Ipapaalam ko po muna 'yung candidates dito para sa Mr. and Mrs. South-West." Tumingin muna ito sa papel niya bago nagpatuloy. "Sina... Francine Mae Fuentes... and, si Paul De Padua. May rehearsal po sila ngayon para ready na for tomorrow."

"Yeah, of course," nakangiting sambit ni Mrs. Bienvenido, tumingin ito sa amin. "Francine and Paul, since you will be representing this section... you're exempted for today's lesson. Kaya go na kayo."

"You can do it, Francine," ani Avery sa gilid ko na nagpangiti sa akin.

"Show them what you've got kahit rehearsal pa lang, siguradong magba-back out na 'yung mga 'yon," asal ni Ashley sa tabi ni Avery.

I looked back at Paul, who was already standing and looking at me. I gestured for him to leave. Dumiretso na ako sa pinto at ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Paul sa likod ko.

"Thank you po."

"No worries, Tyra." si Mrs. Bienvenido.

Nang medyo malayo-layo na kami sa room ay hinarap kami ni Tyra at pinagkrus ang kamay.

"Just go to the covered court without me, I still need to excuse other candidates in their respective rooms. Or else kailangan niyo pa ng alalay na ituturo sa inyo ang daan papunta roon. Alam ko namang you guys are not dumb enough to be so forgetful, so bye!" aniya at umalis na sa harapan namin.

Napa-irap na lang ako sa kawalan habang pinipigilan kong habulin siya't paulanan ng sampal. I was so pissed of her having an angel-like attitude towards teachers, while having a bitchy-attitude towards students. I couldn't help but wonder how she became the President of this university. I bet she did something unfair to get there. There are other students who are more qualified and deserving than her. Sipsip lang naman 'yan.

I crossed my arms, and looked at Paul beside me. Yayayain ko na sana siyang maglakad pero napakunot ako ng noo nang makita ko ang pagkabalisa niya.

"Are you okay?"

Gulat itong tumingin sa akin, kalauna'y alangan itong tumango-tango, "Y-Yeah... just don't mind me."

I sighed. "Alam kong sobrang sama ng ugali ko, okay? But don't worry, wala ka namang ginagawang masama, so... you're safe, if that's what you're worrying about. Kaya tara na!" Hinawakan ko na ang kamay niya at hinila na siya. Binitawan ko lang ang kamay niya nang mapansin ko na itong sumusunod na sa'kin.

Maya-maya pa, nandidito na kami sa covered court. The other candidates were already sitting on the bleachers. Inikot-ikot ko ang dalawang mata ko sa kanila, at agad nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ko sa medyo taas si Angel.

She was with her partner. Nasa kanya lamang ang paningin ko, hanggang sa napatingin din ito sa akin at iwinagayway ang kamay habang ngiting-ngiti na animo'y nang-aasar.

I sarcastically smiled at her, lowered down my one hand and secretly raised my middle finger. Nanlaki ang mga mata niya kasabay no'n ang pagkawala ng ngiti niya. Whatever, I'd just treat her like her name, hindi ko nakikita.

I shifted my gaze away from her and ran towards the bleachers, taking a seat. Kita ko na rin si Sir Reyes na naglalakad na patungo sa amin at saktong nakikita ko na rin ang pagdating ni Tyra kasama ang natitirang candidates.

His Imperfect Halo (COMPLETED)Where stories live. Discover now