CHAPTER 56: It's All Coming Back

1.4K 54 7
                                    

CHAPTER 56: It's All Coming Back

IAN

Tatlong taon na ang dumaan, sinubukan kong maging normal ang pamumuhay ko. Sa lumipas na mga araw at buwan, hindi ako tumigil sa pagpapadala ng sulat kay Michael, umaasa na isang araw, sumagot ito. Pero wala talaga. Maski social media ay hindi ko rin nagamit dahil nawalan na rin ako ng panahon dito dahil imbes na gumastos ako, inipon ko na lang ito para sa maaring mahalagang bagay na maari kong gamitin balang araw.

Ang galing din dahil ilang buwan na lang, magtatapos na ako sa college. Parang noon lang pinatapon ako dito sa Amerika tapos ngayon gagraduate na ako.

Napag-isa ako dito sa loob ng library para matapos ko ang thesis na kailangang gawin. Patong-patong na libro ang nasa harapan ko pati na rin ang aking laptop. Sa gitna ng pagka-abala ko ay may isang tumabi sa akin.

"Hello," Bulong na bati nito. Ako naman ay tumingin at isa siyang Pinoy! Babae na sa tingin ko nasa edad 23. Kayumanggi ang kulay ng balat at blonde ang buhok.

"Pinoy ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. At malamang ikaw din." Nakangiting sabi nito.

"Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?"

"Sa laki ba naman ng unibersidad na ito at sa dami ng tao, magkikita ba tayo?" Natawa kaming dalawa sa sinabi niya at bumalik na sa kanya-kanya naming gawain.

Kalahating oras ang dumaan at tinamaan ako ng ngalay. Tinignan ko ang katabi ko na busy sa kaka-Facebook. Lintik na, may internet pala dito sa library na ito?! For the very long time, hindi ko man lang nalaman??

Kaya naka-isip ako ng ideya na hiramin ang cellphone nito.

"Uh, girl?" Lumingon naman ito.

"Bakit?"

"P-pwede bang mahiram ang phone mo? M-may titignan lang ako sa Facebook," Nahihiya kong sabi dito.

Walang alinlangan niyang inabot sa akin ang kanyang telepono.

"Basta ibabalik mo lang ng buo ah?" Nakangiti nitong sabi kaya agad ko ng kinuha at ni-log out ang account niya.

Pagkalog-in ng akin ay tinignan ko agad ang mga naka-online at kapag sinuswerte ka nga naman, online si Nicole! Agad ko namang kinlick ang video call button at hinintay na sagutin niya ito.

Naka-ilang beses akong dial pero hindi niya sinasagot kaya nagleave na ako ng message.

Bakla sagutin mo!

Matapos i-send ay tinawagan ko ulit. Sinagot din! Tumayo ako para sa labas ko siya kausapin. Sa lugar niya ay madilim at nagtatago siya sa kumot na tanging kita lang ang mga mata niya.

Nang makalabas ay kinausap ko na ito.

"Hoy!"

"I-Ian? Buhay ka?" Parang natatakot na sabi nito.

"Hindi-hindi, multo. Oo, buhay ako, Nicole! Buhay na buhay!"

"P-pero 'di ba, patay ka na? Sumabog ang eroplano na sinasakyan mo?"

"Paulit-ulit? Eto na nga ako, oh, kausap mo na. Kumusta na kayo d'yan? Pero teka huwag mo munang sasabihin sa iba na buhay ako ha?"

"E-eto, ayos naman. Ikaw? Ang tagal mong hindi nagparamdam. Hindi mo ba man lang naisip 'yon?" Umayos at kumoportable na siya.

"Well, dapat talaga kasama ako sa mga naaksidente pero sinuwerte at nalate ako sa flight at hindi umabot. Hindi rin ako agad nakagawa ng paraan na makontak kayo dahil lahat ng pera ko napupunta lang sa gastusin sa araw-araw."

Pangarap Ang Ibigin Ka (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon