CHAPTER 9: New Home - Disappointment

3.2K 94 0
                                    

CHAPTER 9: New Home - Disappointment

MICHAEL

Sumakay na kami ni Tita Margx sa taxi at sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta.

"Kamusta ka naman pala? I heard nakapasa ka daw sa U.P.?"

"Opo, Tita. Nakapasa nga po ako sa UP."

"Talaga? Ang galing-galing mo naman! Pamangkin nga kita." At nagtawanan kaming dalawa. "Anong course pala kinuha mo doon?"

"Business Administration po."

"Wow ha! May pa-business business ka na d'yan."

More or less one hour ang byahe namin papunta sa bahay ni Tita Margx. Pumara na kami sa may tapat ng parang building type na apartment ni Tita Margaux. May sarili na siyang bahay pero sa ibaba nito ang parlor niya na "Margaux" ang pangalan.

Pagpasok namin meron siyang tatlong mga hair and make-up artists at may dalawang customer sa kasalukuyan.

"Welcome to my home!" Sabi niya.

Maganda ang parlor niya. Merong sampung upuan na may katapat na malalaking salamin. At meron isang counter sa gitna bilang cashier nito. Malamig dito at naka-aircon.

"Good evening, Madam." Sabi ng mga trabahador niya dito na may pag-yukod pa.

"Mga bakla kayo! Madam-madam kayo d'yan! Oo nga pala, ito nga ang pamangkin kong si Michael."

Lumapit sakin ang isang bakla. "Hi Michael..."

Nag-hi naman ako. Hindi ko naman ayaw sa mga bakla, sa totoo lang nakakatuwa sila kasi ang galing-galing nilang magpatawa.

"Hoy mga bakla umayos kayo d'yan! Wiz kayo makaka-awra ditez. Baka bet niyong machugi sa workaloo? Hm-mm?"

Ano daw? Hindi mo nawari ang mga sinabi ni Tita Margaux.

"True, mama! Wit namin awra itey pero pwede pa-kiss?" Sabi ng isa.

"Tse! Tara na nga umakyat na tayo Michael." Nilagpasan namin sila at pumasok sa kabilang pinto na nasa kabilang dulo ng salon. Doon ay mayroong maliit na salas. May malaking flat screen TV, DVD player at computer set. Naririto na rin ang kusina at maliit na kainan na pang-apatan.

"Ito ang sala ko. Pwede kang gumawa ng mga assignments mo d'yan sa computer. Marunong ka naman siguro gumamit niyan diba?"

"Ah, eh..." Napakamot ako sa batok. "Hindi ako marunong." 'Di naman kasi ako palagamit ng computer noong nasa probinsya pa ko. Mas madalas kasi akong mag-basketball.

"Magsabi ka na lang sakin pag gagamitin mo 'yan. Halika umakyat ka muna dito para maituro ko kung saan ang kwarto mo."

Pumanhik kami sa ikalawang palapag na may makitid na hagdanan. Naroon ang dalawang pintuan.

"Ito ang kwarto mo." Binuksan na niya ang pinto ng kwarto. Maliit lang ito. Pangisahan lang talaga. Isang kama at isang cabinet.

"Sino po ang natutulog dati dito?" Tanong ko

"Wala. Noong kinuha ko 'tong building na 'to, dalawang kwarto na talaga 'to. Eh ako lang naman mag-isa, kaya hinayaan ko na lang na bakante 'yan baka kasi magamit balang araw."

"'Di ba apartment 'to? Nasaan 'yung mga ibang nakatira dito?"

"Napansin mo ba 'yung isang gate sa may tabi ng parlor? Iyon ang daanan nila.  Sa second floor merong dalawang kwarto. Sa third floor merong apat naman."

"Gano'n po ba. Wala ka bang kinakasama ngayon, Tita?"

Parang lumungkot ata siya.

"Sige, uhm.. Tawag ata ako sa baba. Mamaya na tayo mag-usap, okay?" Sinara na niya ang pinto at bumaba na.

Pangarap Ang Ibigin Ka (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon