CHAPTER 26: Baguio Trip (Part One)

2.4K 72 0
                                    

CHAPTER 26: Baguio Trip (Part One)

IAN

Sa sobrang excited ko ata 6:00 AM pa lang ng umaga gising na ko. Simula nang umalis kami kahapon, hindi pa ako nakakapagtweet kaya nag-Twitter muna ako. Hindi ko naman kailangan pa ng WiFi sa phone ko kasi naka-plan naman ito.

Good morning! Having my vacation now in Tarlac AND will be going to Baguio later! THIS IS LIFE! X

After tweeting, lumabas na ko ng kwarto. Gising na din pala sina Tita Candy at Lola Marian. Bumati ako sa kanila at gayon din sila sa akin. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape at naupo sa may garden. Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya ang sarap! Pagkatapos kong magkape at lumafur ng pandesal bumalik na ko ng kwarto para kumuha ng mga gamit na susuotin ko for Baguio later.

S'yempre dahil bakla nga ako, sa banyo na ko nagbihis. Alangan naman i-rampa ko pa itong katawan ko sa sala. Nang matapos naman ako sa paliligo, nagre-ready na rin sina lolo at lola, at Tita Candy ng mga dadalhin nila. Skinny jeans na black and grey na jacket with hood lang ang outfit ko. May sando naman sa loob 'yan. Tinernohan ko na din ng Doc Martens boots ko na brown. Lumabas na rin ako ng kwarto pagkatapos para mailagay na lahat sa loob ng sasakyan. Nasa labas na rin pala ng bahay ang pamilya nila Michael at naka-ayos na ang gamit.

"Ian tara na! Aalis na tayo!" Tawag sakin ni tita.

Lumapit na ko sa likod ng kotse para ilagay na ang mga gamit ko. Pagkatapos naman ay pumasok na ko sa van. Nakapwesto na pala doon sila Aling Neli at dalawang anak nito. Magalang akong bumati sa kanila na kanila ding sinuklian. Pinauna ko nang pumasok sina lolo at lola para doon ako sa may tabi ng jump seat. Napansin ko na kulang kami at wala pa si Michael.

"Aling Neli, nasaan po si Michael?" Nilingon ko siya sa likod.

"Ah, may binili lang."

Pagkasabi niyang iyon ay ang bigla namang sumulpot si Michael sa pintuan ng van at umupo sa may tabi ko. Agad namang inumpisahan na ni Tita Candy ang pagmamaneho na katabi ang Tita Margaux sa unahan. Mahaba-habang biyahe ito kaya matutulog muna ako. I put my earphones on, soundtrip, and sleep.

Limang oras ang lumipas, nagising ako na nasa may zigzag road na kami. Lahat sila tulog. Sinilip ko sina lolo at lola, mahimbing ang tulog. Pati si Aling Neli at mga anak niya, tulog. Pagtingin ko naman dito sa katabi ko, tulog din. Nakanganga pa ng konti. Ang cute niya matulog. Hihi. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan siya. Hehe. Bet ko sana i-wallpaper kaso baka makita niya eh.

Nakikita ko na ang mga pine trees! Nasa Baguio na ako! Wooooooooh!

Nagising na din silang lahat at narating na namin ang hotel na binook ni tita kahapon. Unang lumabas si Michael si van tas sumunod ako.

"Wooooh! Baguio nandito na ako!" Sigaw niya. May pataas-taas pa ng kamay. Hahaha!

"Ingay mo!" Suway ko sa kanya at nagtawanan kami.

Nang makalabas na kaming lahat ay pumasok na kami sa hotel. Paskong-pasko na dito kahit October pa lang. Pero sabagay, simula pa lang ng 'Ber' months, Pasko na sa Pilipinas.

"Ito na ang ating room assignments. Magkasama kami ni Margaux. Mom and dad, Ate Neli and the kids, and Michael and Ian."

HUWAT?! Magkasama kami ni Michael sa isang room?

PERFECT!

Binigay na niya samin ang mga susi at umakyat na sa mga kwarto namin. Iisang floor lang naman kami at magkakatabi ng kwarto. Sumusunod lang sa akin si Michael at tahimik lang siya. Binuksan ko na yung kwarto namin at pumasok.

Pangarap Ang Ibigin Ka (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon