CHAPTER 8: Ian is Back-La

3.4K 94 1
                                    

CHAPTER 8: Ian is Back-La

IAN

Ang bango naman nitong tumabi sakin. Amoy lalaki! Kaso nahihiya lang akong tignan kasi mamaya sabihin type ko siya. Oo, gano'n na takbo ng utak ng mga tao ngayon. Nagtulug-tulugan na lang ako hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Maya-maya may tumatawag sakin. Parang panaginip lang pero totoo na ata.

"Boss? Boss, ticket niyo ho?" 'Yung kundoktor pala. Hinihingi na 'yung ticket.

Pag-abot ko ng ticket, nakita ko din kung sino 'yung katabi ko.

Shet, parang kilala ko 'to ah.

Si........

Michael!

Oh my Gosh! Si Michael katabi ko sa bus! Ang gwapo at ang bango pa! Hindi ako na-disappoint. Thank you naman Lord!

"Ito ho..." At inabot ko ang ticket.

Nagnakaw lang ako ng tingin at umayos na sa pagkaka-upo ko. Nakilala niya kaya ako? If ever man, sana siya na unang gumawa ng move. Jusko! Ito na 'to! Eh kaso, 'yung salamin ko ang laki. May lalaki bang ganito ang salamin? Straight na lalaki ha!

Nakinig na lang ako ng music sa cellphone ko para makatulog ako.

♪ It's been a long time since I came around
Been a long time but I'm back in town
This time I'm not leaving without you

You taste like whiskey when you kiss me, oh!
I'll give anything again to be your baby doll
This time I'm not leaving without you... ♪

'Yung lyrics... Parang sumakto naman sa moment.

"This time I'm not leaving without you..."

Dumating na ata kami sa stop over ng bus sa Pampanga. Bababa kaya ng bus 'tong si Michael? 'Wag sana, sayang moment. He he.

Maya-maya naramdaman kong tumayo siya. Pero hindi ako lumingon sa kanya, kunwari tulog pa rin ako.

"Uhm.. Pwede pabantay? Magsi-CR lang ako." Nagsalita siya.

Oh my God! Did he just talk to me?!

Tumango na lang ako. Umalis siya agad at kinikilig ako ng sobra. Ngiting-ngiti ako tas dinungaw ko siya sa bintana. Gwapo-gwapo talaga nito.

Sana humaba pa ang biyahe para matagal ko siyang makasama kahit na walang kibuan. Pero sana siya na ang unang kumausap sakin. Eh kaysa naman ako? Haha! Kahiya!

Maya-maya nakita ko siyang umakyat na ng bus. Naramdaman ko na din ang pantog ko kaya ako naman ang kailangang bumaba.

"Please have my bags guarded. Magba-banyo lang ako." Sinabi ko sa kanya pero hindi ako makatingin ng diretso. Mamaya makilala niya ko eh.

Dali-dali akong bumaba at pumunta ng banyo. 'Di pa rin mawala sa isip ko itsura niya. Tas kumain na din ako sa labas. Nagutom din ako 'noh. Okay na din siguro itong burger with egg. Para pagbalik ko, snob ulit. Let him do the first move. Hehe.

Naubos ko din ang nilafang at umakyat na ng bus. Pagdating ko nanonood siya doon sa TV sa bus. 'Di ko naman siya tinignan pero lagi na lang panakaw. Pakipot kasi ako. Hahaha!

Nakaupo na ko at kunwaring matutulog ulit. Pero keme lang kasi mamaya kakausapin ako nito. Sayang naman, 'di ba?

Umandar na ang bus. Nakapwesto na ko para magtulug-tulugan nang biglang may nagtext sa cellphone ko.

Pangarap Ang Ibigin Ka (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon