Team 4

330 13 3
                                    

Best New Year by @iamQueenYne

"Destiny? Maniniwala lang ako dyan kapag, ikaw at ako ang meant to be."

***

"Gosh! Bakit ngayon pa umulan?!" Dali-dali siyang tumakbo at sumilong sa isang waiting shed. Gabing-gabi na pero wala pa siya sa bahay niya. Nag-aalala na siya sa mga kapatid niya sapagkat wala ang mga itong kasama.

Lumingon siya sa paligid para tignan kung may taong naroroon pero bigo siyang makakita. Patuloy siya sa pagpupunas ng kanyang basang katawan habang nakatingin sa daan.

"Wala manlang bang dadaang taxi dito?" Tanong niya sa sarili. Napakatahimik ng gabi at tanging ang malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat lang ang tangi mong maririnig.

Maya-maya pa ay nangibabaw ang isang hindi pangkaraniwang tunog. Tunog ng isang chainsaw. Napakunot ang noo niya sapagkat sino nga ba naman ang magtatangkang magputol ng kung anuman sa kalagitnaan ng gabi at kasagsagan pa ng ulan. Nanlalaki ang mata niya ng madako ang kanyang tingin sa isang pigurang sumulpot sa may di kalayuan. Wala sa sariling hinawakan niya ang kanyang dibdib. Rumehistro ang kakaibang takot at kaba sa kanyang sistema. Palapit ng palapit sa kanya ang pigura kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumakbo. Narinig niya pa ang nakapangingilabot na tawa ng pigurang iyon.

Dahil maputik ang daan ay nahihirapan siyang tumakbo. Idagdag mo pa sa pasanin niya ang suot-suot niyang 4 inches na heels.

Hindi niya nakita ang isang di-kalakihang bato kaya naman napasalampak siya sa putikan. Nilingon niya ang pigura at palapit na ito sa kanya. Napapikit siya ng maramdaman niya ang kakaibang sakit sa ankle niya. Mukhang may sprain pa yata siya. Pinipilit niyang tumayo pero sadyang ayaw makisama sa kanya ng kanyang paa. Gumapang siya para makalayo ngunit mabilis siyang nasundan ng pigurang iyon.

"Wag po! Wag!" Sigaw niya. Wala siyang narinig na tugon dito.

"Tulungan niyo ako!" Umiiyak na sigaw niya.

"Paalam." Ani ng pigura at saka itinaas amg chainsaw na hawak-hawak nito.

"Waaaa- Leche! Sinong nagpatay ng TV?!" Iritableng sigaw ko.

"Gaga! It's brownout kaya!" Binatukan ako ni Trish. Nakakainis! Ayun na eh. Papatayin na! Wrong timing naman ang brownout eh. Bwisit.

"Nasaan na ba yung flashlight?" Tanong ko.

"Kapain mo dyan sa may drawer." Sagot ni Kate.

"Ano?! Ayoko nga. Kung ano pa makapa ko dito eh. Ilawan mo ko dali." Utos ko sa kanya. Binuhay naman niya ang cellphone niya. Nang makuha ko na ang flashlight ay agad kong binunot ang mga nakasaksak naming appliances. Mahirap na 'no. Mamaya masunugan pa kami. Sabay-sabay na kaming nagtungo sa aming silid at nahiga. King-size naman itong kama kaya kasya kaming tatlo

"Aish. Mamimiss ka namin Athena." Biglang sabi ni Kate.

"Oo nga girl. Wrong timing naman sina mommy eh. We're enjoying na nga yung pag-stay namin dito with you tapos bigla na lang tatawag to say na pwede na ulit kami sa bahay." Si Trish naman. Ang conyo talaga ng babaeng 'to. Di na nagbago eh.

"Asus! Arte niyo! If I know. Gustong-gusto niyo 'yon dahil babalik na ang mga credit cards niyo." Pang-aasar ko sa kanila.

Wala akong narinig na tugon sa kanila bagkus ay naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mga kamay nila sa waist ko. I smiled. Mamimiss ko 'tong dalawang 'to panigurado.

***

"Aish. Ayoko talagang umalis. Naiinis ako!" Maktol ni Trish.

"Me too. I don't want too." Segunda naman ni Kate. Ang drama ng magkapatid na 'to. Sayang hilain ng buhok eh.

Fourth Attack - Do It Your WayOnde histórias criam vida. Descubra agora