Team 1

308 13 4
                                    

Khione by @imbethqui

Beautiful and charming. I always get these first impressions from people. Cruel and heartless. Once you get to know me, ito na ang description sa akin. Lahat tama, lahat ako. Ako si Khione Saavedra.

***

"Khione."

I caught the flying spear approaching my left shoulder before it could pierce my flesh. I turned around and smirked at him.

"Goodnight din sa 'yo, Marcus." I entered my room and shut the door behind me. I threw the spear on the side and sat on my bed. Spears, daggers, swords and the likes. Parte na ito lahat ng buhay ko simula pinanganak ako. I've learned to live my life surrounded by danger. Hindi ako katulad ng tipikal na teenagers na may masayang pamilya at maraming kaibigan. Papa ko na lang ang natitira kong pamilya at wala akong masyadong kaibigan.

Namatay ang Mama ko pagka-panganak sa akin kaya si Papa lang ang kasama ko simula noon pa. Hindi ko pa alam kung ano'ng trabaho niya noon. Basta ang alam ko, mayaman kami at masaya ako dahil lahat ng gusto ko ay naibibigay ni Papa. Hindi ko nga lang siya madalas makasama dahil masyado siyang abala sa trabaho. I grew up with maids and bodyguards. Isang beses sa isang araw ko lang siya nakikita, hindi pa kami masyadong nakakapag-usap. Minsan tatlong beses sa isang linggo, kapag masyado siyang busy.

I was sent to the most prestigious schools nang magsimula akong mag-aral. I was never the friendly type then. Hindi kasi ako nasanay na may kasalamuhang ibang bata until I was sent to school. Tahimik lang ako at bihirang magparticipate sa mga class activities o makipaglaro sa mga kaklase. Mag-isa lang ako palagi simula pagpasok, recess hanggang uwian. My life was like that at nung tumapak ako ng grade 4, I started to know more of the life that I had.

Tinuruan ako ng self defense at kung paano gumamit ng espada. Tinuruan ako ni Levi-- ang kanang kamay ni Papa. Siya ang personal bodyguard ko. Siya ang kasama ko habang lumalaki ako. Siya na ang trinato kong ama. He told me about my father's job and how I got to live the life that I had. Ang Papa ko ang lider ng pinakamalaking underground organization na kung tawagin ay Espada. The organization rendered services to different clients-- politicians, businessmen or whoever had the money to pay the prize.

Kilala ang Espada sa magandang serbisyong ibinibigay nito sa mga kliyente. Ang sabi ni Levi, hindi pa pumalya ang kahit sino sa mga tauhan ni Papa. Kaya pala lumaki ako na may kasamang mga taong hindi ko kilala sa mansiyon. Kaya pala tinuruan nila akong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko. Kaya pala tinuruan nila akong humawak at gumamit ng espada. Kaya pala laging wala si Papa. Siya daw mismo ang kumakausap sa kliyente at si Levi lang ang pumipili kung sino sa mga tauhan ang ibibigay sa kliyente. He trained all of them from day one, he's the one he knew each and one of them.

"Bakit espada?" Tanong ko minsan kay Levi while we were having one of our sword training.

"We only use the sword to protect our clients."

"What happened to guns and bombs?"

Tumawa siya ng mahina sa tanong ko. "Medyo tradisyonal kasi ang Papa mo, Khione."

Habang lumalaki ako, mas nakikita ko ang kaibahan ko sa mga kaklase ko. May mga magulang sila na nanenermon tuwing may bagsak sila sa mga subjects namin. May mga nakatatandang kapatid na gumagawa ng mga mahihirap na homeworks nila at may mga kaibigan silang napagsasabihan ng mga problema nila sa buhay. I graduated elementary na wala akong kasama kundi si Levi. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil kahit papaano nandun siya o dapat akong maawa sa sarili ko dahil siya ang kasama ko.

I enrolled in Sisters of Mary School for Girls in high school. It was the most prestigious all-girls school in the country. Okay naman ako doon. Mababait ang mga Admin, ang mga madre at ang mga kapwa ko estudyante. I decided on excelling in something to impress my father. Kapag na-impress siya sa akin, papansinin na niya ako. Maybe he would treat me somewhere out of town or even out of the country.

Fourth Attack - Do It Your WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon