Team 2

273 11 6
                                    

Tadhana by @TheGoodForNothingBoy

Pag-ibig. Pagmamahal. Paano ko nga ba ito bibigyang kahulugan? Hindi ko alam. Hindi ko mahagilap sa aking dila ang tamang sagot. Hindi ko nga rin alam kung sapat na ba ang mga salita para ipaliwanag ang mga ito. Masyadong komplikado. Masyadong magulo. Masyadong malawak. Masyadong maraming sakop. Pero isa lang ang alam ko. Pag-ibig. Pagmamahal. Ito ang nararamdaman ko para sa 'yo.

Naaalala mo pa ba 'yung unang beses tayong magkita? Marahil ay hindi na. Ang tagal na kasi no'n. Pero ako, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Napaka-importante kasi sa akin ng araw na 'yon. Doon kasi nagsimula ang lahat. Pareho tayong estranghero sa isa't isa na pinagtagpo ng tadhana. Nagpapasalamat nga ako sa tropa kong makulit dahil hindi niya ako tinantanan hanggat hindi ako pumapayag na samahan siyang lumabas ng University para mag-research. Ayun, nakita kita habang nasa labas ng computer shop at mukhang may hinihintay.

Alam mo ba, unang kita ko pa lang sa iyo no'n may kung ano na akong naramdaman. Hindi ko alam, hindi ko maipailawanag. Para bang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Tapos simula nang araw na 'yon, hindi ka na nawala sa isip ko. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tama ko sa iyo. Hindi ka naman alak, hindi ka naman sugal at lalung-lalo na hindi ka isang laro pero bakit nakakahumaling ka?

Alam mo, nang malaman kong sa iisang University lang tayo pumapasok, abot tainga ang ngiti ko. Biruin mo, ang laki ng bansang Pilipinas pero pinagtatagpo tayo. Tadhana nga naman. At hindi pa ro'n nagtatapos ang lahat. Mantakin mong sa iisang building lang pala tayo pumapasok. Akalain mo 'yon? Nakakatawa na nakakatuwa. Tila yata pinaglalapit talaga tayo ng tadhana.

Sa tuwing makikita kita noon, kumakabog ang dibdib ko. Hindi naman ako pagod o 'di kaya ay tumakbo, pero bakit gano'n? Pag-ibig na ba 'yon? Sa tuwing makakasalubong kita bakit pakiramdam ko lalo akong nahuhulog kahit wala namang balon? Sa tuwing ngingiti ka na ako ang dahilan, may kung ano akong nararamdaman. Pag-ibig na ba 'to? At ngayong nahihimbing ka ng tulog, andito ako, nakabantay sa iyo at naghihintay sa muling pagmulat ng mga mata mo. Nag-aalala. Natatakot. Baka kasi sa pagpikit ng mga mata ko ay mawala ka na lang bigla, na maglaho kang parang isang bula. Ayoko. Hindi ako papayag na bigla ka na lang mawala. Pagmamahal na ba 'to? Marahil ay oo.

"Mahal ko, kailan ka ba gigising? Hindi ko maiwasang h'wag mainip. Pero wag kang mag-alala, kahit na ganito, hinding-hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko sa iyo. Kahit ganyan ka pa, kahit ano ka pa, mahal na mahal na mahal kita." Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa iyo at pinagmasdang maigi ang iyong maamong mukha. "Wala ka pa ring pagbabago, mahal ko. Maganda ka pa rin." Hinawi ng isang kamay ko ang buhok mo at ipinailalim sa iyong tainga at unti-unting idinampi ang likod ng aking palad sa iyong pisngi. Ilang saglit pa'y ang labi ko ay unti-unting dumampi sa maputla at tuyong labi mo.

Sandali kong ipinikit ang aking mga mata. At pagmulat ng mga ito, isang masayang alaala ang nakita ko.

Natatandaan mo pa ba 'yung araw na sinagot mo ako? Sobrang saya ko ng mga sandaling 'yon. Daig ko pa ang tumama sa lotto. Para na rin akong nakarating sa langit. Biruin mo, kapag pinagkumpara tayo sa isa't isa ay mangingibabaw ka. Langit ka, lupa ako. Sabi pa nga ng mga tao sa paligid natin, Ika'y ginto samantalang ako nama'y isang tanso. Maganda ka, matalino, mabait, talentado, mayaman pa! Nasa iyo na yata ang lahat. Samantalang ako, isang bugok na tinamaan ng mapaglarong palaso ni Kupido. Nakakatawa hindi ba? Magkaibang-magkaiba kasi ang estado natin sa buhay. Pero sabi nga, walang imposible sa kapangyarihan ng pag-ibig, ng pagmamahal. At alam mo ba? Dahil sa iyo kaya ako nagpakatino, kaya ako nagbago. Tinuwid ko ang mga baluktot kong gawi, kahit mahirap kinaya ko. Para sa 'yo, mahal ko.

Sabi nila, Kung mahal mo raw ang isang tao, matatanggap mo kung ano talaga siya. Hindi mo na kailangang babaguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka niya. Sabi ko naman, kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat handa ka sa pagbabago, kahit ano gagawin mo para lang sa taong mahal mo. Kahit ang tadhana ay hahamakin mo. Pipilitin mong makibagay sa mundong kanyang ginagalawan. Gano'n na ngayon, hindi na uso ang, Kung mahal ka niya, matatanggap ka niya kung ano ka. Dapat matuto kang makibagay. Ito ang katotohanan. Ito ang reyalidad. Ang ating mundong ginagalawan ay mapaglaro at mapagbiro.

Fourth Attack - Do It Your WayWhere stories live. Discover now