Hearing such words from my father-in-law is heartwarming. He really made me feel part of this family.

"Thank you, Pa." Bulong man pero alam kong narinig niya ako.

"Of course, it's you." Papa Veni is really a good father. "Baka kung saan pa tayo mapunta, just want to remind you to visit me. Okay?"

"Okay po, yes. I promised we'll pay you a visit." May pinal na sagot ko.

"That's what I want to hear. Always take care of the both of you. See you and I miss you."

"Miss you, too, Pa. See you then."

Nawala ang bigat na nararamdaman ko matapos makausap si Papa Veni. Sa mga ganitong pagkakataon nagpapasalamat ako at si Vince ang naging asawa ko. Having Papa Veni makes me feel loved.

"Anong sabi?" Tanong ni Nana pagkapasok ko sa kusina.

Nilapag ko ang telepono bago maupo sa dining area.

"He missed us and requested us to visit him."

"Ayun naman pala, eh." Nilapag niya ang kanin sa harap ko. "Ang tagal na rin ng nakadalaw kayo, oras na siguro para puntahan niyo siya."

"Gusto ko, Nana. Gustong-gusto." Sagot ko. "Si Vince nga lang po ang iniisip ko, Nana" Hindi maitago ang lungkot sa iniisip.

Tinignan ko siya at kita ko ang pagkahabag sa tingin niya sa akin. "Gusto ni Papa ng makita kaming magkasamang bumisita, paano kung hindi ulit si Vince pumayag?"

Every time I asked him he decline me and reason that he was busy. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong binalak bumisita ng kasama siya at kahit isa roon ay hindi niya pinaunlakan. Kaya kahit gustuhin ko man ay hindi ko na pin

ipilit pa dahil ayokong mas lumalim pa ang galit nito sa akin. Kaya kahit alam kong inaasahan kami ni Papa Veni ay magalang akong tumatanggi at nangangakong bibisitahin siya kapag hindi na kami busy, kung may oras na si Vince.

"Sabihin mo sa kanya ang napag-usapan ninyo ni Sir Veni. Maiintindihan naman niya siguro iyon dahil ama niya ang mismong nagsabi." Sagot ni Nana kasabay ng paglapag ng curry sa harap ko.

Agad akong napatingin sa kanya dahil rito. "Happy birthday, Ellea. Pasensya na ito lang ang nailuto ko para sa iyo, paborito mo."

Tuluyan ng natunaw ang puso ko. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng kasabikan at hindi maitago ang ngiti. It's my favorite food. Pakiramdam ko kapag nakakakain ako nito ay kumpleto na ako.

Niyakap ko si Nana dahil siya lang ang taong nakaalala ng kaarawan ko. "Thank you so much, Nana Slina, you are truly the best!"

Narinig ko lang ang halakhak niya habang hinihimas ang likod ko. "Bente-singko ka na pero pakiramdam ko ikaw pa rin ang limang taong Ellearine na inaalagaan ko."

Natawa naman ako at mas hinigpitan ang yakap. "Alam ba ni Vince?"

Pahabol pa niya na siyang kinailing ko at mas niyakap pa siya. Nana is one of the precious people makes me sane. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung hindi dahil sa kanya.

"Halika na nga, kumain ka na. Alam kong pagod ka."

Umalis ako sa pagkakayakap. Para balingan ang pagkain. "Nana the food is mouthwatering but can I eat a little bit later?"

Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon niya kaya agad akong nagpaliwanag. "Gusto ko po kasi sanang makasabay si Vince."

"Si Vince?" Napatingin rin siya sa pagkain bago bumaling sa orasan. "Ala-sais palang, Ellea. Ang uwi ng asawa mo ay alas-diyes. Lalamig lang ang pagkain."

Dawning DazedWhere stories live. Discover now