Dawning Dazed #1

72 9 0
                                    

A/N: Let's bring back the memories.

#IT'S_THROWBACK_THURSDAY

🐧

"Ellea, anak, we're really sorry for doing this, but we just want you to know that it's for your sake... it's for you, sweetie."

Napatigil ako sa akmang pagkain ng marinig ang malambing na boses ni Mom.

We're eating our dinner when Mom speak. Nakita kong natigilan si Dad sa pagkain kaya marahan kong binaba ang kutsarang hawak upang hindi gumawa ng ingay bago lingunin si Mom.

"Mom..." Hinawakan ko ang kamay niya dahil bakas ang lungkot sa mga mata nito.

My mom have an expressive eyes na siyang minana ko sa kanya. Kaya ang makitang malungkot ito ay nagpapabigat sa kalooban ko.

Ang panginginig ng balikat niya at paggaral ng boses sa bawat salitang sinasabi ay tanda ng pagpipigil niyang maluha. Mom...

"Anak, I know we are supposed to let you choose the one you love, not what we want to. Kaso ito na lang kasi ang tanging paraang nakikita namin..." Hindi ko na kinaya at agad siyang nilapitan para yakapin. I can't bear seeing my Mom cry. It makes my heart crash into pieces.

"I'm sorry... we are sorry." Mahigpit kong nayakap si Mom ng marinig ko ang pag-iyak niya. "Kailangan lang ta-talaga naming gawin ito..." Sa bawat salitang namumutawi sa kanya ay alam kong hindi niya talaga gusto ito.

Nakita ko ang pasimpleng pagpikit ni Dad ng para bang pati siya ay nahihirapan dahilan para mas lalo bumigat ang nararamdaman ko.

"Mom, Dad, it's okay. I understand-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ang sinabi ni Dad.

"If you want, I will stop this, Baby-"

"No, Dad. Whatever the reason is we should keep going." Putol ko sa sasabihin pa ni Dad.

Humiwalay ako kay kay Mom pero hindi ko inaalis ang hawak ko sa kamay niya bago tumingin kay Dad.

"Alam ko pong importante ito. I know if there is any choice, you won't let me do this." Nginitian ko si Mom bago huminga ng malalim. "Just can't see myself marrying other than him." Mahina man alam kong hindi nakalagpas sa pandinig nila ang sinabi ko.

This is my first time confessing my feelings regarding this matter. Kaya lubos ang kabang nararamdaman ko nang tinignan nila ako.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Dad. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. Rinig ko ang pagtigil ni Mom sa pag-iyak na para bang hinihintay din ang sagot ko.

Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang parehas nilang kamay sa lamesa.

"Dad... Mom... I love Vince."

Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Dad matapos marinig ang sinabi ko.

"Oh, My God!" Narinig kong reaksiyon ni Mom sa tabi ko "Is he...?" pero hindi ko siya magawang lingunin when I saw Dad's expression change.

"Ellea, what do you know about love?" Seryosong sabi ni Dad habang walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

Kinakabahan man, ngumiti pa rin ako at sinabi ang totoong dahilan.

"Love is when I never asking for him but God gave me a chance to be with him." Kahit may takot akong nararamdaman tinignan ko si Dad. "Dad, I never tell you about him. I never asked for anything." Tinignan ko si Mom. "Mom, you knew him based on my stories, but I've never said his name. You know how much I adore him, how much I've liked him for every story I've told you before."

Dawning DazedWhere stories live. Discover now