Dawning Daze #7

28 2 0
                                    

"Ellea, mabuti nakauwi ka na."

Hindi pa man nakakapasok, ay nakita ko na si Nana Slina na nakatayo sa labas ng pinto. Agad akong nagmano pagkalapit.

"Kaawaan ka ng Diyos," pagmano ko. "Buti nandito ka na, tumawag ngayon lang si Sir Veni."

"Si Papa, bakit raw po?" Takang tanong ko. Bihirang tumawag si Papa, at kung tatawag man siya ay may dahilan. "Nasabi niyo na po ba kay Vince?"

Sabay kaming pumasok ni Nana habang nag-uusap. Nilapag ko ang bag sa couch bago siya sinundan patungong kusina.

Nakita kong nagluluto palang siya. Tumulong ako sa paghahanda at paglalagay ng pinggan habang pinapakinggan ang sasabihin niya.

"Hindi ko pa nasabi dahil ang bilin lang ni Sir Veni ay sabihan kitang tawagan mo siya ora mismo pagkauwi mo." Napatingin ako sa kanya sa narinig. "Sa iyo lang raw kaya hindi muna ako tumawag sa asawa mo."

"Ganun po ba..." Naglalakad ako palapit sa lamesa habang nag-iisip kung anong dahilan ng pagtawag ni Papa. "Bakit po kaya?"

"Aba, malay natin. Iyong tawagan na at mukhang importante ang sasabihin." Tinanguan ko na lang si Nana bilang sagot. Nilapag ko muna ang mga pinggang hawak bago nagtungo sa sala.

Ilang beses pa muna nag-ring ang numero bago ito tuluyang masagot.

"Hello, Pa?" Agad kong bati.

"Ellea, Anak, how are you?" Bakas ang kagalakan sa boses nito nang marinig ako.

"Maayos lang po. Kauuwi ko lang po." Umupo ako para mas makausap si Papa. "Nasabi po pala ni Nana Slina na napatawag kayo, may kailangan po ba kayo?"

Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Sa paraan ng pagtawa niya ay tila may magandang balita ito.

"Maaari ba kayong pumunta ni Vince rito?" Natigilan ako sa narinig. "Ang tagal na rin nang makita ko kayo, dalawin niyo naman ako." Nahihimigan ang pagtatampo.

"Hindi niyo ba ako nami-miss?"

Pahabol pa niya na siyang humaplos sa kalooban ko. Papa is in his retard age and hearing those words from him made me realize how bad I am.

"I'm sorry, Papa. I missed you so much." Pagpapagaan ko. "I'll promise one of these days we'll go there. Naging busy lang po talaga. Sorry po." Hindi ko na naitago ang lungkot sa boses ko.

"It's okay, Hija. I understand." May bakas ng ngiti sa tinig nito. "Iba naman talaga ang buhay mag-asawa, maybe I'm expecting a grandchild?"

"PAPA!" Narinig ko ang halakhak nito na kabaliktaran sa hiyaw ko.

Hindi ko akalain maisisingit niya pa iyon. Pakiramdam ko tuloy nag-init ang buong mukha ko. Jusko!

"Well," bakas pa rin ang saya sa boses niya, "nga naman desisyon niyo ’yan. Just want you to know I'm waiting." Sinundan pa niya ng tawa pero para sa akin tunog pang-aasar na.

"Papa, I miss you but if you insist this topic... bahala ka hindi na kami pupunta." May himig na ng pagbabanta sa boses ko pero nagawa pa rin niyang tawanan dahil siguro alam niyang hindi ko kayang gawin ang sinabi ko. I'm so blunt.

"Oh, that's scary..." Takot niyang sabi pero alam kong nagpipigil lang siya ng tawa.

Kaysa mainis ay natawa na lang rin ako dahil kahit ako ay alam kong hanggang salita lang ang kaya ko dahil once na pinangako ko ay gagawin ko na talaga.

"You know me well, Pa." Hindi ko na mapigilang sabihin.

"Of course, you're my daughter. I know you well." A sweet sensation traveled to my veins.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dawning DazedWhere stories live. Discover now