But I'm also wondering why he was there? At sa likod pa talaga ng gate ha. Mage gets ko pa kung tinawagan niya kami at sinabing nasa harapan siya ng gate at susunduin kami kaso hindi e. That's weird.



"Shall we eat?"

Napa hinto kami sa paglalakad when Kuya Luke stopped and asked us that question.

"Snack nalang, Kuya. Kakakain lang din namin e."

"Okay. Punta tayo ng Pepperman." He said and he walked again.

We followed him until we reached Pepperman. Umupo kaming lima at agad nag order si Kuya Luke. Tahimik lamang ako rito at hinayaan ko na sila sa pag o order. Hindi naman ako gutom.


"Ikaw Rej? Anong gusto mo?" Kuya Luke asked pero umiling ako.

"I'm not hungry."

"Ayaw mo?"

"Ayoko."

"Rej, kumain ka. Hindi mo nga naubos 'yung lunch natin kanina." Axel said.

Wala kasi akong gana. Para bang nawalan ako ng katakawan sa katawan sa lahat ng iniisip ko. Sa lahat ng problemang meron ako.

"Oo nga." Luther said too.

"Kumain ka. Ipag o-order kita." Ma otoridad na sabi ni Kuya Luke at napa buntong hininga na lamang ako.

Nang maka order si Kuya ay nag usap usap silang apat. Ikiwento nila ang nangyari kanina sa school at sa pag punta ng mga parents nila sa guidance. Tahimik lamang ako dahil si Leinah ang bumida sa pagkikwento. Ginaya niya pa talaga ang mga kaganapan. F na f niya ang pagkikwento at mukha siyang ewan dahil may pa sound effects pa siya.

"Tapos Kuya, sinabunutan siya ni Luther! Gosh! Bagay niya lang 'yon e! Baklang bakla man ang dating ni Luther kanina but that was totally fine!"

"Kapag ba nanabunot ng babae bakla na agad? I just don't want to punch her face dahil iniisip ko pa ring babae siya."

"Naisip mo pa sa lagay na 'yan na babae siya ha?" Lei asked while laughing.

"Hindi lang kasi namin inexpect sa'yo 'yun, Ther." Tumatawa na sabi ni Axel.

"Sinabunutan mo talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Luke sa kapatid niya.

"Oo, bakit?"

Umiling na lamang si Kuya Luke and he is also laughing. Tumama ang paningin niya sa akin at umiwas ako ng tingin sakaniya. Ewan ko ba. Para bang naiilang na ako ngayon sakaniya.


"Here are your order Sirs and Ma'ams!"

Inayos ng waiter ang mga inorder na pagkain at kahit mukhang masarap ay parang hindi ako masaya. Kahit yata hapagan mo pa ako ng mga favorite food ko ngayon ay hindi ako sasaya. Ang gusto ko kase siya. Gusto ko siyang makita at makasama. I felt pain in my chest dahil naaalala ko nanaman siya.


"Rej, eat this."

Hinapag ni Kuya Luke ang isang platong may mga pagkain sa harapan ko.

"T-thanks, Kuya."

Pinilit ko ang sarili kong kumain. They are still talking with each other telling some jokes and funny things but I am just quiet forcing myself to eat. Nang hindi ko na mapilit ang sarili ko ay tumigil na ako at binaba ang kutsara't tinidor.


His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now