Chapter Four

32 3 1
                                    

Pagpasok na pagpasok palamang ni Ma'am ay napatili na ang iba kong kaklase. Sino ba namang hindi maa-attract sa ganitong klaseng lalaki. Pag pasok palamang ng room akala mo may fashion show, kahit ang suot lamang nya ay simpleng white shirt at pantalon with matching necklace at singsing hmm.  At idagdag mo pa ang  serious look nyang kaysa matakot ka, mabibighani ka pa.

"Settle down Broadcasting, magsibalik na kayo sa mga upuan nyo at itago na ang mga gadgets." pagsaway ni ma'am sa klase. Nasa harapan na ito, katabi ang bago naming kaklase.

"Goodmorning class, so as you can see may bago kayong kaklase." panimula ni Ma'am, kaya ang mga kaklase ko ay nagsitilian nanaman.

"hi fafa!  welcome in our school, rawr." sigaw ni Jungwon na nagbabakla-baklaan, ito ang dahilan upang tumawa ang buong klase.

Sinaway ni Ma'am ang mga kaklase kong sobrang iingay. Napatingin ako sa katabi ni Ma'am at nakita kong nagpigil sya ng tawa at binalik ang serious face nito. Pinagmasdan ko ang paligid, ako lang ba ang nakapansin non?  Well, never mind baka guni-guni ko lang.

"Hi, I'm Jay Smith. I'm 18 and I like listening to music." tipid nitong pagpapakilala.

"Thats it Mr. Smith?" tanong ni Ma'am dito, tumango lang ito bilang tugon.

"Okay class, Mr. Smith is an irregular student meaning may subjects lang na kasama n'yo sya. HUMSS Broadcasting, please behave and be nice with him." pagpapaliwanag pa ni Ma'am sa amin.

"By the way, Mr. Smith she is Lucii, the president of the class.  S'ya ang mag-aassist sa'yo, at sa tabi ka nya uupo." pagpapakilala saakin ni Ma'am kay kuya, na Jay pala ang pangalan. 

Nice name, huh.

Nginitian ko lamang ito, at tinugunan lang ako ng tipid na ngiti. Gaano ba kahirap ang ngumiti?

Pinalipat si Heeseung sa third row at tumabi na ito saakin.

"Mr. Smith kindly change your hair color by tomorrow. I'll check it, I'm telling you." pagpapaalala nito kay Jay at nagsimulang magdiscuss.

Bakit naman kasi blue pa ang naisip nitong ikulay sa buhok? Ano kayang trip neto?

"Lucii, ang swerte mo talaga ano? Nung nagpaulan ng kaswertihan, sinalo mo lahat." pag-aapila ni Avi saakin. Paano hindi parin sila makapaniwala na ako ang katabi ni Jay sa room.

"Anong swerte, eh dagdag gawain nga lang 'yon." sabi ko at kumagat sa chicken sandwich ko.

Kasalukuyang recess namin ngayon, nandito kami ni Rae at Avi sa canteen. Puro si Jay nalang ang mukambibig ng dalawang 'to simula kanina.

Niyaya ko kanina si Jay magcanteen, kaso ang sagot lang saakin "No, thanks. I'm fine here." sabay salpak ng airpods nya at pumikit. Napairap nalang ako habang naaalala ang nangyare kanina.

"Ghorl, kung pwedeng ako nalang, why not!" tiling sabi ni Avi.

"Sis, nahanap ko na. Look oh!" kinikilig na singit ni Rae na kanina pa abala sa pagce-cellphone.

"Omgggg! He's so pogi talaga." maarteng pagpupuri ni Avi sa pictures ni Jay. Kaya pala abala si Rae kakacellphone eh, iniistalk pala si Jay. D'yan magaling si Avi at Rae, ang mangstalk ng mga gwapo.

"Suplado naman yang Jay na 'yan. Hindi nga marunong ngumiti eh." pag-aapila ko sa dalawang kaibigan ko.

Kapwa itong napatingin saakin at inirapan ako. 

"Alam mo Lucii, ganyan ang usong lalaki ngayon mga suplado, pa-badboy ganun." pagpapaliwanang ni Avi saakin na aakala mo'y expert na pagdating sa lalaki. 

"Palibhasa loyal 'yang si Lucii kay Daniel kaya hindi makarelate saatin." mapait na sabi ni Rae.

"True ka d'yan sis" pagsang ayon ni Avi kay Rae at nag-apir silang dalawa.

"Lucii, may Daniel kana ah. Ipaubaya mo na sa amin ni Rae si Jay." paninigurado ni Avi sa akin na akala mo'y may gusto ako kay Jay.

"Sa inyo na guys, pero pwede ba bigyan nyo naman ako ng kapayapaan? Aishh.." reklamo ko sa dalawa na kaysa irapan ako ay napangiti pa at nagbubulungan nalamang habang tumitingin ng mga larawan ni Jay.

Grabe ang epekto ng lalaking 'yon sa mga kababaihan. Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko.

xoxo









Goodbye, Hello (ENHYPEN SERIES 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin