Chapter One

40 3 0
                                    

"Lucii Martinez!!! Late ka nanaman."

Isang malakas na sigaw ng aking mother ang gumising sa akin.

Shems, bakit kasi ang daming assignments.

"Opo, gising na po." walang buhay kong tugon at bumangon na.  Potchi! 30 minutes nalang late na ako. Mukhang maglu-lupang hinirang nanaman ako sa harap ng principal ah.

Dali-dali na akong naligo, ligong 5 minutes. Natawa nalang ako sa sarili ko. Nagbihis agad ako at kinuha na lang ang suklay, pwede naman magsuklay sa tricycle eh. Agad akong bumaba at lumapit kay mama na beast mode nanaman.

"Ma, beastmode ka nanaman. Napuyat po ako dahil maraming assignments." nagpapaawa kong sabi rito.

"Naku, Lucii sabihin mo napuyat ka kakadutdot dyan sa cellphone mo, o heto baon mo." panenermon ni mama pero inabutan parin ako ng 150 pesos.

Hindi ako matitiis ni mama.

Humalik na ko rito at nag abang nang tricycle sa kanto, shemay pag ganitong oras pa naman punuan na.

At dahil naalala kong gulo gulo pa ang buhok ko, naisipan ko nalang muna magsuklay. Shemay 10 minutes before 7 am.

"O, miss sa Mary Solidad Academy ka ba? kasya ka pa." sabi ni manong na obvious namang puno na.

Pero dahil late na ako, makikisik-sik na ako, no choice!

Nakaabot ako sa call time ng mga hindi late, oh diba! ako pa ba?

Habang paakyat ako sa fourth floor, nakasalubong ko si Rae na tropa ko.

"Hoy, Rae! san u punta?" pag-agaw ko sa atensyon nito na mukhang nagmamadali.

"Pinapatawag ako ni Sir., bilisan mo gurl paakyat na si Maam." sabi nito at tumakbo na papuntang faculty.

Tumakbo na rin ako paakyat dahil patay nanaman ako neto pag nalaman ni Maam Madz na late ako.

"Ms. Pres. hanap ka ni Maam Madz." bungad sakin ng katabi ko.

Binaba ko na agad ang bag ko at lumapit na kay Maam.

And yes, dahil bida-bida ako since junior high, ako ang binoto nilang president para maghasik nang magandang dulot sa 12 HUMSS Broadcasting.

"Naku, Lucii! muntik ka nanamang ma-late, malapit ka nang ireklamo ng guard sa gate." bungad ni Maam Madz na nagpipigil.

Minsan lang naman ako ma-late, mga twice or thrice a week.

"Good Morning Momshie, ganda natin ngayon ah, may date ba mamaya?" pag iiba ko sa usapan para hindi na ako masermonan. Nasermonan na ni Mama, nasermonan pa ni Maam.

"Obvious ba? yes, may date ang lola mo. O sya, mag check ka na ng attendance at ipaliwanang mo na ang activity nyo ngayon." biglang bago nya sa tono ng pananalita at mukhang good mood na ulit.

Pumunta na nga ako sa harapan para gawin ang inu-utos ni Maam.

xoxo

Goodbye, Hello (ENHYPEN SERIES 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang