Chapter Three

28 3 0
                                    

Nag-aabang na ako ng tricycle nang mapatingin ako sa wrist watch ko at nakitang mag-aalasais na ng hapon.

Kaninang alas-tres pa ang uwian namin pero may meeting pa kasi sa club, nag-brainstorming lang kami at nagdesign sa bagong headquarters namin.

"Ever Green Subdivision po?" tanong ko sa driver.

Nang tumango ito ay pumasok na agad ako sa loob dahil puno na ang labas.

Napalunok ako ng maamoy ang katabi ko, shemay bakit ang bango nya? Hindi sya matapang, parang napakaseductive ng amoy.

Hindi ko alam ah? Pero parang sinadya na may salamin sa harapan namin.

Nagkunwari akong nagsalamin para makita ang itsura nya, ayoko namang tignan sya ng sobrang obvious kaya sa salamin nalang.

Nakaupo sya at nakasandal sa upuan ng tricycle habang nakapikit.

A guy na mukhang ka-age ko or mas matanda saakin ng kaonti.

Kulay blue ang buhok, may matangos na ilong, mahabang pilik mata, makapal na kilay, may makinis at maputing balat. Pero iba ang umagaw ng atensyon ko, ang panga nyang perpekto.

Napalunok ako ng maalala ang pinag-uusapan ng dalawang babae kanina sa comfort room.

So, he is real. May lalaki nga na ganito ka-gwapo na nag-eexist.

"Ineng, Ever green na 'to." sabi ni manong na umagaw sa atensyon ko.

Lalong hindi ako mapakali ng napansin kong dumilat na ito.

Bumaba na ako at inabot ang bayad ko, nabigla ako nang bumaba rin sya at nagbayad.

Dire-diretso itong pumasok sa subdivision namin.

"Ma, may bago ba tayong lipat na kapit bahay?" tanong ko rito.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng dinner, ako, si Liam ang 4-year-old kong kapatid, at si Mama. Si Papa naman ay nasa barko, nagtatrabaho bilang seaman.

"Wala naman, bakit mo natanong?" sagot ni mama habang nilalagyan ng pagkain si bunso.

"Wala naman po." at kumain na ako.

Baka may binisita lang o baka sa ibang street lumipat.

After naming kumain ay naghugas na ako ng plato at gumawa ng assignments.

"Ms. Pres. pinapapunta ka ni Ma'am Madz sa faculty ASAP daw." bungad sa akin ng kaklase ko.

Walang bago.

"Goodmorning Momshie!" bati ko rito.

"Lucii, may bago kayong classmate. Galing ibang bansa, pero irregular student. So, may subjects na kasama nyo sya at may subject na wala. Please, guide him." pagpapaliwanag ni Ma'am.

"Oh, sure Ma'am, marunong naman po magtagalog or umintindi?" pagtatanong ko, naku mahirap mag spokening dollar I mean mag-english.

"Good question, actually he is half filipino and half canadian. So, marunong sya magtagalog." sagot ni Ma'am.

Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko ang half Canadian, mali bang umaasa akong si Daniel iyon?

"Noted Ma'am." sagot ko nalang at excited na bumalik sa room. Sabi ni Ma'am aakyat nalang sya kasama ang transfer student.

"Hoy, Lucii!" Pagtawag sakin ni Rae na nakasigaw.

"Bakit ka ba naninigaw?" inis kong tanong rito.

"Bakit ka kasi nakangiti mag-isa dyan. Baliw ka na gurl?" nagtataka nyang tanong.

"Feeling ko kasi the long wait is over." paga-amin ko rito.

"Ano raw?" takang tanong parin nya.

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nandyan na raw si Ma'am.

Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng disappointment.

Dahil ang kasama ni ma'am ay hindi si Daniel kung hindi, si blue hair guy??

xoxo

Goodbye, Hello (ENHYPEN SERIES 1)Where stories live. Discover now