Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ang laser ko para mabuksan ang glass box.
"Kaden?" Napasimangot na muling inilagay sa bulsa ko ang laser ko bago hinarap ang tumawag sa akin.
"Bakit?" Nakasimangot kong sabi.
"Ito na pala 'yung hiningi kong notes," sabi ni Mythe at inabot sa akin ang notebook niya.
"Salamat," payak kong sabi at naglakad paalis, ngunit bago pa ako makalayo ay muli akong napatingin sa itim na libro. "Sa susunod na lang kita kukunin." Mahinang sabi ko habang nakatingin dito ng mariin.
***
"Here's your Visa and ticket," padabog na inabot sa akin ni Kate Julia ang Visa at Ticket na hinihingi ko.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako mahuhuli dito sa immigration" Pagbabanta ko sa kanya.
"Bakit ka ba pupunta ng Japan?" May halong inis na tanong niya sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya habang inilagay sa bag ko ang Visa at Ticket na hinihingi ko.
"Let's say na may pupuntahan lang ako," sabi ko at muling ngumiti sa kanya.
"Mamayang gabi 'yang flight mo, Two hours before the flight ang check-in, Seven kilos hand carry, and Twenty Kilos baggage allowance." Paalala niya kaya natawa na lamang ako.
"Oo, alam ko na 'yan, Julia!" Natatawa kong sabi. "Paano mo pala ito nagawa?"
She rolled her eyes. "Nakalimutan mo ba? May-ari kami ng isang airline," medyo naiinis niyang sabi.
"May isa pa pala akong favor," habol ko kaya mas lalo siyang napasimangot.
"Grabe ka na, Kaden ha! Kotang-kota ka na!" asar na sigaw niya.
"Sige na, please, last na talaga."
"Oo, na! Basta huwag mong kakalimutan na tatalunin pa kita," pagpapaalala niya.
"Oo, na po."
***
"What are you doing, Kade?" Gulat na tanong ni Julia habang tinitignan akong naghuhubad ng damit. Mula sa bahay ay sinundo niya ako papuntang airport at ngayon ay nasa loob kami ng sasakyan niya sa gilid ng loob ng aiport
"Don't tell me? Oh my God! I can't believe na tombo-ouch," daing niya ng hinagis ko sa mukha niya ang jeans ko.
"Kate, Julia Palmares, would you fucking shut up? Isout mo yang damit ko ngayon din at ikaw ang papasok diyan sa airport"
"What?! You mean kaya ka nagpasama dito dahil pagkatapos mong mag-check-in ay ako ang papasakayin mo sa eroplano?" She asked in disbelief, and I nodded.
"Exactly!, I know you know how to sneak into the airport, and besides, you basically own an airline company."
"Oh my God. Ayoko,"Tutol nito at akmang lalabas sa sasakyan niya ngunit agad kong hinila siya muli paharap.
"Huwag kang mag-inarte, Julia, kundi pepetkusan kita!" Asar na sigaw ko. Napasimangot at padabog na lamang niyang dinampot ang damit ko at nagbihis. Kahit na nahihirapan ito dahil sa kitid ng lugar sa loob ng sasakyan. Nang makita ko na nagsisimula na siyang magbihis kahit kitang kita ang labag sa kalooban ng mukha nito ay agad ko na kinuha ang uniform na nakuha sa loob ng isang Staff Storage Facilities.
Isa isa kong sinuot ang reflector na vest, pants at ang hard hat bago ko muling binalingan ng tingin si Kate Julia na hindi pa rin tapos sa paghihila ng pantalon.
YOU ARE READING
The Enigmatic Mafia Prince
Mystery / ThrillerThe less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.
Chapter 36
Start from the beginning