Chapter 36

277K 6.6K 454
                                    

The Enigmatic Mafia Prince 36

I'm impatiently glancing at my wristwatch while tapping my finger on the table. "3...2...1..." I whispered.

"Class Dismissed," our instructor announced.

"Yes!" Mabilis akong tumayo sa upuan ko at naglakad palabas ng classroom. Habang naglalakad ako sa hallway, agad kong inilabas ang cellphone ko na kanina ko pa lang naramdamang nag-vibrate.

"Oh?"

[Kaden, may nakuha na akong Visa at Ticket.] Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. "What time ang alis ko?"

[Tomo-] I cut her off. "Make it tonight, Julia."

[But Kaden, wala nang available flights mamayang-]

"Then make it available," matigas kong sabi at agad pinatay ang tawag at nagmamadaling maglakad.

Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang hindi maisip na bukas na ang huling palugit sa akin ni Doyle. Hindi pwedeng hindi ako magtatagumpay sa plano ko. Kailangan kong malaman kung ano ang plano ni Doyle.

Napatigil ako sa paglalakad ng may humarang sa dinaraanan ko. Nakita kong nakatayo si Clover, Diamond, at si Ace. "Where's Dwight?" Agad na tanong ni Clover. Nagtaka ako kung bakit hindi nila alam kung nasaan si Dwight. Ngayon ang ika-apat na araw na hindi pumasok si Dwight.

"Nasa Japan kasama ang girlfriend niya," walang gana kong sabi. Nakita kong napasinghap si Clover at si Diamond at nagkatinginan silang tatlo tiyaka sila sabay na nagtawanan.

"You mean nasa Japan si Dwight with his girlfriend? Are you kidding me?" Sabi ni Diamond habang tumatawa-tawa.

"Girlfriend? Dwight? Hahahha," I arched my brows at them. Mukhang nagulat sila sa sinabi kung nandoon si Dwight kasama ang girlfriend niya. Kahit ako ay hindi makapaniwala na iniwan ako sa ere ni Dwight.

Tumigil sila sa pagtawa at agad sumeryoso ang mukha ni Clover. "Niloloko mo ba ako?"

"Mukha ba akong nagjo-joke? Si Magenta ang nagsabi sa akin," medyo naasar na sabi ko sa kanya. Muli naman silang nagkatinginan sa sinabi ko.

"Magenta?" Sabay nilang sabi.

"Magenta and Cyan are here?" Sabay nilang sabi at nagkatinginan pa sila muli.

I rolled my eyes in annoyance. "Oo, nandito," sabi ko at nilagpasan sila ng lakad.

Bakit kaya sila nagulat na nandito si Magenta at Cyan? Akala ko ba kapatid sila ni Dwight? E bakit nagugulat pa sila kung nandito sila sa sarili nilang paaralan?

Pagkarating ko sa library, agad akong umupo sa upuan ng bakanteng mesa. Hindi ako mahilig magtambay sa library pero dahil sa binigay na assignment sa amin ng minor subject na nag-fe-feeling major kung instructor.

Habang naglalakad ako at naghahanap para sa isang libro dito sa library, napahinto ako sa paglalakad ng may makita akong isang malaking itim na libro na inilagay sa loob ng glass box.

"Ano kaya 'yun?" I mumbled habang naglalakad papalapit sa libro. Ngayon ko lang kasi napansin ang itim na librong ito kapag pumasok ako sa library. Hindi naman kasi ako umabot dito sa paglalakad.

Napatitig ako sa itim na libro nang makalapit ako. "History of Salvadorians." Yan ang nakasulat sa libro sa cover nito. Ito ata 'yung sinasabi nilang important na libro ng Salvador University.

Napatingin ako sa paligid at napansin kung wala namang masyadong tao dito sa loob ng library tiyaka ako muling napatingin sa libro. Marami akong malalaman tungkol sa Salvador University lalo na kay Dwight kung mababasa ko ito.

The Enigmatic Mafia PrinceWhere stories live. Discover now