Chapter 40: Penthouse

Start from the beginning
                                    

Agad naman akong kinabahan.

"Nagugutom ako."

EHHH???

"Bwiset ka talaga panira moment." inis kong sagot.

Natawa naman siya ng mahina at tumayo. "Kakantahan nalang kita uli next time. Nagugutom na talaga ko." nakapout nitong sambit.

"Please?" pagmamakaawa nito sa'kin.

"K."

Nagulat naman ako nang hinila niya ko palabas ng kwarto. Sabi ko kantahan ako hindi kakain!

"Si Azi!" mariin kong bulong.

"Tulog naman siya.. Kakain lang naman tayo ng noodles." 

Wala na 'kong nagawa kundi suumunod nalang. Kahit kailan talaga! Hindi niya ba alam na bigla kong kinabahan kanina?! Aish! Kahit sino kakabahan tapos sasabihin nagugutom lang siya? Walangya.

Nang makalabas kami ay agad kaming dumiretso sa kusina. Hindi ko tuloy maiwasang mapanganga sa sobrang engrande ng kusina niya. Kwarto lang namin ni Azi toh eh.

"Cook for me." utos niya habang nakasandal sa ref at nakatingin sakin.

"Suntukan nalang ssob. Ano? G?" malokong paghahamon ko.

Tinawanan niya lang naman ako pero pumayag din naman ako na magluto. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala noon. Bayan bawal bang change concept naman? Siya naman magluto? 

Agad akong naghanap ng instant noodles sa cabinet niya. Pagkatapos ay nagluto na ako ng dalawang ramen para sa'ming dalawa. At doon ko narealize na penthouse pala ito, hindi condominium. 

"Umamin ka nga, penthouse 'to diba?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay habang naghahalo ng noodles.

Awkward niya lang akong nginitian at hindi sinagot. Nang matapos ako ay agad niyang kinuha ang dalawang bowl at pumunta sa kung saan.

"Hoy! Saan ka pupunta??"

"Just follow me."

Wala na 'kong nagawa kundi ang sumunod. Nang makarating kami sa paparoonan namin ay napaawang agad ang labi ko.

Dahil nasa rooftop kami ng building! Halos mawindang naman ako dahil di ko akalaing may rooftop pala dito at bakit nasa loob ng bahay yung hagdanan?!

Wag mong sabihin.. Kay Jungkook din 'tong rooftop?!

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Tila hindi ko naman malaman kung araw ba o gabi ngayon dahil sa pinaghalong kulay ng kalangitan.

Ang tingkad ng bituin at ng buwan ang nangingibabaw sa buong kalangitan. Everything is breathtaking.

Napatingin naman ako sa buong lugar, nanlaki pa ang mata ko nang may pool pa. At meron ding area na kung saan pwede ka lang magchill.

Kung tutuusin third floor na itong rooftop dahil dalawang floor ang penthouse na ito. Hays, ang ganda talaga. Magpapatayo din ako ng bahay na ganito. Hmp.

Doon naman tumungo si Jungkook sa may chill area kaya sumunod nalang ako. Umupo naman siya sa upuan.

"Sit here." pagaaya niya at pinagpag pa ang upuan sa tabi niya para doon ako umupo.

Umupo na ako at kinuha ang noodles ko sakanya. Agad kong kinain ang noodles kahit mainit pa, hays gutom na nga din ako.

"Naalala mo ba yung sinama kita sa meeting nung wala yung secretary ko?"

Agad naman akong napalingon sakanya at tumango. "Then there's a survey right?" dagdag niyang tanong at umupo.

Tumango naman ako uli.

"This is it.. It's your dream house. Nakapangalan 'tong penthouse na toh sayo, Dianne." he said like it was a normal thing.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at napanganga. W-WAIT WHAT?

"ANO?!" sigaw ko.

"Do i look like I'm kidding? I'm serious, love. This is all yours.." nakangising sambit nito sakin at humigop uli sa noodles niya.

SHUTA PAANO NIYA NAGAGAWANG HUMIGOP SA NOODLES NIYA?!

"Pero.. ang mahal nito! Nababaliw ka na ba?!" di makapaniwalang sigaw ko.

"Matagal na 'kong baliw sayo, Dianne." he said casually while looking at the stars.

BAKIT ANG CHILL NIYA PA DIN?! HELLO?! NAMIGAY KA LANG NAMAN NG PENTHOUSE?! BAT NAGAGAWA NIYA PA DING KUMAIN NG NOODLES!

"Jungkook naman.. Hindi ko 'toh matatanggap. Ang mahal nito!" pagproprotesta ko dahil nawiwindang na talaga ko.

"You'll accept this offer soon once you're done with my punishment." he said fluently.

"P-punishment?" nauutal kong sambit.

"Matatanggap mo lang toh pag magkasama tayo di'ba?"

"Then.. Marry me again."

Kasabay ng malamig na hangin ay tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Unti unting napaawang ang labi ko sa gulat at pagkamangha.

Nanaginip ba ko?

WAIT...

ANONG ISASAGOT KO?!?

WAAAAA NAGPROPROPOSE BA TOH?! PUTANGINAAAAA!!!

---

AUTHORS NOTE:

May special chapter pa po. ^ __ ^

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now