Leave

55 1 0
                                    

|Go Away, Maya|

Maaliwalas ang kalangitan, hindi masakit sa balat ang sinag ng araw dahil sa dami ng mga ulap na nakakalat na binabagayan ang panahon.

"Tatalon na 'ko!" umalingawngaw ang boses ng babaeng may itim at mahabang buhok na wumawagaygaw sa likuran niya.

Nakatapak siya sa makipot na espasyo ng isang mahabang tulay. Nakatalikod siya sa kalsada ngunit maingat namang nakahilig ang likod niya sa railings ng tulay. Sa harap niya ay ang malawak, kalmado at asul na karagatan.

"Eto na talaga!" muli niyang sigaw sanhi upang magliparan ang mga nabulabog na ibon sa kagubatan sa paligid niya.

Nagulat naman siyang napahawak muli sa sinasandalan niyang railings.

Mag-iisang oras na siyang nag-aatubili sa kanyang pagpapakamatay habang kinakausap ang sarili pati na ang mga prutas na dala-dala niya.

"Totoo na talaga 'to," bitaw niya sa railings nang umihip ang hangin na nagpabalik ng pagkakahawak niya rito. Napahinga siya ng malalim.
Maya-maya ay dahan-dahan niyang inabot ang saging sa ibabaw ng railings sa tabi niya. Nang maabot niya ay sinubukan niya muling balatan ang pangatlong saging na meron siya.

Binalatan nita ito ng maliliit lamang habang bumubulong sa sarili.

"Tatalon ako," ani niya sa unang pagbabalat. "Hindi." Nagpatuloy pa siya. "Tatalon ako... Hindi." Napabuntong hininga siya nang matantiya ang magiging sagot.

"Tatalon ako," bulong niya bago itinapon sa kalsada ang balat ng saging habang ang laman ay agad niyang isinubo at nginuya.

Sa isip-isip niya ay mas malaki ang tyansa na malinis ang kalat niya sa kalsada kaysa kung sa dagat niya ito itatapon. Tatlong balat na ng saging ang nakakalat sa gilid ng kalsada.

"Lord, sorry na po, Lord tatalon na ako, Lord mamamatay na ako." ngawa niya na naman habang nakatingin sa itaas kahit hindi pa tapos ang kinakain.

Napalunok siya habang napagtantong hindi ata dapat na ang Diyos ang kausapin niya bago siya gumawa ng isang mortal na kasalanan.

"Hehe, double sorry Lord..." bawi niya. "Lola, lola ikaw na lang. Lola sorry... Lola tatalon na ako. Totoo na talaga," muli niyang pagmomonologo.

Akma na siyang tatalon ngunit mas tumindi ang pagkapit ng mga kamay niya sa railings.

Bakas sa maamo niyang mukha ang pagiging desidido—mali. Parehas mali.

Kabaliktaran sa maamo niyang mukha ay ang makwela, matapang at magaan niyang personalidad.
Hindi rin siya desidido... pero magpapakamatay na siya.

"'Pag may dumaan na eroplano, tatalon na ako," hirit niya.

Hindi niya pa tuluyang naiaangat ang ulo niya ay narinig na niya ang mahinang ugong ng eroplano.

Napangiwi siya sa nakumpirma.

"Grabe ka naman universe, excited much?" Huminga siya ng malalim bago bumitaw ngunit napahawak din muli siya sa naramdamang malakas na ihip ng hangin.

"Teka lang naman, tatalon naman eh... eto na mamamatay na," muli niyang sabi habang dahan-dahang tumingin sa paligid upang humanap ng taong dadaan.

Ngunit walang dadaan dahil hindi na dinadaanan pa ang nasabing tulay. Maayos na lang ang kalagayan nito dahil sa ilang mga turista na nais dayuhin ang malayo at tagong lugar na iyon.

"Seryoso na talaga, tatalon na ako, pipikit lang ako tas bibitaw tapos tapos na." Pumikit na siya at handang tumalon. Lumipas ang ilang segundo ay wala pa ring nangyari.

Go Away, MayaWhere stories live. Discover now