Paano nalang kapag nalaman nito. Paano nalang din kapag nagsawa na sa kaniya si Phoenix? Saan siya nito pupulutin.

Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya sa maaaring maging kahihinatnan nang lahat pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit mas doble ang sakit nang sumagi sa isip niya na maaaring magsawa sa kaniya ang binatang ngayon ay kayakap niya.


"What's the matter?" nanlaki ang mga mata niya nang makitang gising na si Phoenix at nakatitig sa kaniya. Napatitig siya sa maganda nitong mga mata na wala nang bakas nang lamig. Sa halip ay malambing na ang mga titig nito sa kaniya at may kakaibang kislap.

"Are you okay?" maging ang bawat katagang sinasambit nito ay may halong lambing at pagsusuyo. Na siyang nagpalakas sa pintig nang kaniya puso.

"A-ano ba tayo?" bigla iyong nanulas sa kaniyang labi bago niya pa mapigilan. Para bang automatic na sinasabi niya ang iniisip sa mga sandaling iyon.

Mas lalong lumambot ang tingin nito sa kaniya at masuyong kinuha ang kaniyang kamay at magaang hinalikan.

"I'm your boyfriend." agad na sagot nito.

"Pero alam mong kapatid ang dapat na maging turingan natin. Magagalit ang magulang mo at isa pa may boyfriend ako at alam kong kilala mo iyon."

Nakita niya ang pagtalim nang titig nito sa kaniya at hindi niya maiwasang mapaatras ngunit agad lang din naman siya nitong hinapit sa kaniyang bewang.

"I don't care! The moment that I laid my eyes on you, that time that I first touch you. That is the very moment that I promised to myself that you are definitely mine. Heart, body, and soul. No one can have you honey, only me."

"Pero mali ito!"

"There's nothing wrong with it. Nakuha na kita, ako ang nakakuha nang bagay na alam kong pinakaiingatan mo kaya naman walang ibang dapat na may karapatan sayo kung hindi ako."


Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Kaya lang ba ito ganito sa kaniya dahil ito ang nakakuha nang pagkababae niya? Iyon lang ba talaga at wala ba talaga itong gusto sa kaniya?

Parang biglang nadurog ang puso niya. Parang bigla ay hindi siya makahinga sa sakit.

"Pwede mo naman akong hindi panagutan hindi ba? Nakuha mo nga ako pero hindi noon maitatanggi ang katotohanan na may boyfriend ako at hindi ikaw iyon."

Malamig na sagot niya na tila nais niya biglang pagsisihan dahil sa sakit na biglang dumaan sa mga mata nang binata. Hindi nito iyon itinago sa kaniya.

"You really don't get it do you?" he laughed but there's no humor in it. Nangunot naman ang kaniyang noo.



"I love you Xiarra.."



Kumabog ang puso niya at parang gusto nitong lumabas sa dibdib niya dahil sa narinig.

"W-what?"

Si Phoenix Herrera mahal siya? Nananaginip ba siya o isa lang itong ilusyon? Paanong..

"I loved you since then. That was the reason why I don't want you to be in a relationship with anyone. But you disobey me and it really hurts."

Tumulo ang luha sa mga mata niya dahil sa narinig na lungkot sa boses nito. Hindi siya makapaniwala. Biglang nabuhay ang damdamin na matagal niya pilit na sinusupil. Ngayon ay umamin ito sa kaniya. Mahal siya nang taong inaakala niyang hindi kayang suklian ang pagmamahal niya. Ang taong dahilan kung bakit masyado siyang denial. Kung bakit nakipag relasyon siya sa iba.

Owned By HimWhere stories live. Discover now