• 035 •

373 22 12
                                    

"Good morning, Mr. Meñoza. This is your schedule." pinasalamatan ko ang secretary bago tinanggap ang chart.

"Pumasok na si Aye?" tanong ko nang mabasa ang papel. Natigilan si Gen, ang bagong secretary, at umiling.

"Si Mrs. Meñoza ho ba?" Inosentenng tanong niya. Pasimple akong yumuko para itago ang pagngisi. Napakaganda sa pandinig.

Umubo ako para ayusin ang boses, "Yes."

Hindi kami sabay pumasok dahil mostly, work from home lang ang trabaho niya.

"Itatanong ko po."

Umabot ang tanghali at walang Aye na dumating. Nalaman ko na lang na pumunta siya sa parents niya saglit. Which is good. She needs that.

Tinulak ko ang glass wall para paunahin si Fau. Kakatapos lang naming makinig sa meeting.

"Thanks." sabi niya habang nakatingin sa phone.

"Pagnadapa ka, tanga ka."

"Mas tanga ka," bawi niya pabalik. Ni hindi manlang niya ako tinignan. Suplada kahit kailan. Pero kung hindi ko siya nakilala wala kong Aye ngayon.

Nang marating ang lobby ay natigilan ako ng makita kung sino ang papasok ng company.

It's my wife, wearing her classy office attire. Kahit ata duster lang suutin niyo maganda parin. Putangina, noong nanganak siya kay Faye, sa pangalawang anak namin. Lalo ata siyang gumanda.

"Good Morning Ma'am Meñoza," bati ng guard sa kanya. Tinanggal niya ang suot na salamin at ngumiti.

Ngiting pang-akin lang dapat!

Naglalakad siya na parang red carpet ang nilalalakaran, lalo pa akong namangha dahil nasa magkabilang kamay ngayon ang anak namin.

2 years ago nang pakasalan ko ang babae ng fantasia ko, pero hanggang ngayon, namamangha parin ako't hindi makapaniwala.

Nagtatalon ang 3 taong gulang na si Rene habang si Faye naman ay nalibot parin ang tingin sa paligid. She's even wearing a cute pink backpack.

"Asawa ko ba 'yan?" wala sa sariling tanong ko kay Fau. Mula sa pagiging busy sa phone ay tinignan ako ni Fau.

"Saa—" Kumunot ang noo niya nang matanaw si Aye, may kalayuan pa siya sa amin kaya hindi ako nakikita ni Aye.

"Landi niyo," walang kwentang sabi ni Fau. Napatingin si Faye sa direksyon ko. Kinawayan ko siya at nginitian.

Maya maya'y mabilis na niyang hinila ang kamay ng mommy niya habang nakatingin sa akin.

"Si daddy!" Her cute little voice filled the lobby. Napatingin si Aye at Rene sa akin kaya naglakad na ako palapit sa kanila.

Nakabuka ang kamay ni Faye patakbo sa pwesto ko.  Nang makalapit ay mabilis ko siyang binuhat at inihagis sa ere.

Tuwang tuwa si Faye at gustong magpahagis ulit, bago iyon ay sinalubong ko muna si Aye at hinalikan ang noo niya.

"How's your day?" tanong niya nang makalapit.

"Fine, how about yours?" tanong ko. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa mukha niya at pinakatitigan siya.

"Malulusaw ako nan," saway niya sabay tawa. Naipilig ko ang ulo ko, napapangiti na rin. Itong si Ayesha pinagmumukha akong tanga lagi.

"Bahala kang malusaw," sabi ko. Hinila ko siya papuntang office kasama ang mga anak namin. Buhat ko sa magkabilang braso sina Rene kaya nasa gilid ko lang si Aye.

Saktong naabutan namin si Fau na papasok rin ng office niya. Mula sa mukhang maninigaw na boss ay biglang bumait si Fauza, emosyong sa bata niya lang pinapakita.

Devoted | Book 2Where stories live. Discover now