Devoted 09

396 18 17
                                    

Tawang tawa ako habang pinagmamasdan si Dwayne na kating kati nang bumaba ng stage. Hinaharang kasi siya para sa picture taking.

Hindi ko mapigilang maging proud. Ni hindi man la'ng ako nakaramdam ng selos nang may mga humaharang sa kanya para magpapicture, instead napapangiti ako.

Gwapo kasi huta. Aylabit!

Nang makalapit si Dwayne sa pwesto namin ay tiningala niya ako. Nakatayo pa rin kasi ako sa bleachers. Tahimik siyang pinagmamasdan. Namamangha rin sa presensya niya. Para kaming hindi nagkita ng isang taon.

Nakapamewang lang siya sa harap ko. Hindi pa rin ata makapaniwalang nandito ako. Nasa harap niya na parang walang nangyari.

"Gusto mo bumaba?" tanong niya. Tumango ako bilang tugon. Bababa na sana ako nang bigla niyang inilahad ang dalawang kamay para buhatin ako. Ilang beses ako napakurap.

Tinanggap ko rin 'yon at maingat niya akong inalalayan, nang maramdaman ang sahig ay napayakap ako sa kanya.

Naiyak na nang maalala ang ilang araw kong pag-iwas at panghuhusga sa kanya. Parang landslide na memory ko lahat ng guilt, takot, at doubt.

"I'm so sorry," bulong ko. Pumiyok pa ako nang maramdaman ang matinding emosyon.

Sa totoo lang... Mahigpit ang yakap ko kasi natatakot ako. Nakakatakot. Baka itulak niya ako.

Hinigpitan ko ang yakap at umiyak na sa dibdib niya.

"Sorry, hindi na mauulit, sorry." paulit ulit kong bulong. Nagbabakasakaling saluhin niya ulit ako.

"Sorry, sorry, sorry."

Minutes later, naramdaman ko ang mainit na pagbalot niya sa akin. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at hinagod ang likod ko na parang pinapatahan.

"I love you," tanging sinabi niya na lalong nagpaluha sa akin. Gusto kong sigawan si Fau na sabihing sana all pero napahagulgol na lang ako.

Napakababaw ng luha ko.

"Huwag mo na ulit iisipin ang mga ganon," dagdag ni Dwayne. He kissed my cheek bago iniangat ang tingin ko para tagpuin ang mata niya.

"Hinding hindi ko 'yon gagawin sa'yo, okay?"

Tumango ako at muli siyang niyakap.

"Sana all," sabi ni Ina sa gilid. Natawa ako bago nagsalita kahit nakaub-ob pa rin ang mukha ko sa dibdib ni Dwayne.

"Fauza, magsecond the motion ka," sabi ko habang nahikbi pa rin. I just can't help myself. Narinig ko ang tawanan nina Kean na parang may ginawa na naman si Fauza na kung ano.

~*~

"I'm so proud of you," sabi ko kay Dwayne. Magkaholding hands kami papuntang kotse. Binalingan niya ako at ngumiti.

Ngiting ilang araw ko ring hindi nasilayan.

"I'm so inlove with you," sagot niya pabalik. Nakagat ko ang labi ko at 'di na napigilang mapaimpit. Napaka!

"Cringeworthy," bulong ni Fau na nauuna samin. Sisipain ko sana pwet niya pero naalala kong wala nga pala siya noon.

Natawa ako nang makasalubong ulit naming 'yong gwapong nagtatanong ng pangalan ni Fau kanina. Tinuro ko si Fau nang mapatingin siya sa amin.

"Fauza Reese Lesmar, Business ad, taga-DB college, single, 20, mapagmahal, iingatan ka, aalagaan ka, aking ina, ikaw ang nagbigay ng buhay ko," sigaw ko.

Nanlaki ang mata ni Fau at pinatay na ako sa tingin.

"Ulol ka?" iritang tanong niya. Gusto niya akong sugurin pero gusto niya ring umakto na parang hindi siya 'yong sinabi kong pangalan. Tumawa ako na nagpabusangot sa mukha ni Dwayne.

Devoted | Book 2Where stories live. Discover now