Devoted 19

341 16 8
                                    

"Bakit kamukha ni Fauza?!"

Natawa ako nang biglang irapan ni Fau si Ina. Puno ngayon ang room namin ng mga kaklase kong natapos na raw kuno ang paper works na iniwan ni Fau. Nandito rin si Janine at Harold na halos kadarating lang.

"You're too loud, Ina. Sisipain na talaga kita palabas ng kwarto!" sagot pabalik ng kaibigan ko.

Inismiran lang siya ng tuwang tuwa si Ina. Buhat niya ngayon si Yesh na nakapikit pa rin at kunot ang noo. Naiingayan na ata sa mga kaklase ko.

"Are you okay?" si Dwayne. Tinanguan ko siya kahit na feeling ko ay namamanhid na sa sakit ang lower part ng katawan ko. Hinalikan niya ang gilid ng noo ko at sumiksik na sa tabi ko.

"Thank you," sabi niya na nagpangiti sa akin.

Inilayo ko ang mukha niya sa corny, mula ata kanina, nang magising ako ay lagi na lang niyang sinasabi 'to.

Inagaw niya ang kamay ko nang hindi ko siya matulak ulit. "I mean it."

"Naririndi na ako, Dwayne." Nalukot ang mukha niya kaya malakas akong natawa. He's a father now, and yet napakaisip bata niya parin, minsan.

"Did you pay in full for this room?" Pagbabago ko sa usapan. Nilibot ko na ang tingin sa kabuan ng kwarto, mukhang mamahalin at sobrang lawak, isang buong bahay ata 'to.

"Yep," tinignan niya ako. "Why?"

"Saan ka kumuha ng pera?" Naguguluhan ko paring sabi. He gave me a meaningful look before diverting his attention to Fauza.

"It comes from my job and Fauza's business. Our sales have increased by threefold this month, babe."

Tuluyang nang nalaglag ang panga ko. Omygod! Last month ang huling tingin ko sa sales, at hindi 'yon gano'n kaganda.

Noong malapit na ako manganak, inilayo na ako ni Fau sa Marketing team, ayaw niya raw akong mastress kaya taga-edit na lang ako 'pag may free time.

Omygod talaga! Sa ilang buwan naming pagtatrabaho. Mabilis na nasuklian ang mag pinaggagawa namin.

"Really?!" Excited kong tanong. Tinanguan niya ako.

"May mahigit isang daan nang Stockist, bukod pa ang Provincial and City Distributor, and Reseller." Natakpan ko ang bibig ko at mangha nang tinignan si Fau na nakikipagtawanan na sa mga kaklase namin.

I'm so proud!

"Hindi mo maiimagine ang nakakalulang sales ng F. Co ngayon." Tinignan niya ako bago pinagsalikop ang kamay namin.

"Paanong nakakalula?" tanong ko. Umakto siyang nalulula kaya nasapo ko ang noo ko.

Minsan naiisip kong pagkakamali lahat ng 'to...

Tumingin siya sa kisame bago muling tumingin sa akin, "Magreresign ako sa trabaho ko, para mag-full time sa F. Co.?" sabi niya na nagpaawang sa labi ko.

"Nakapagdown payment na rin ako sa magiging bahay natin sa future. Malapit 'yon sa kinuhang condo ni Fauza. Para lagi pa rin kayong magkasama?" dagdag niya. Literal na wala akong nasabi. Tinignan niya ako sa mata at matamis na ngumiti.

"Your methods work. Kung hindi mo ginawa yung pagpapadala sa mga famous vloggers, pagpapacontest for ambassadors, hindi lalago ng ganito ang business niyo."

"I'm so happy," bulong ko.

"So am I. Graduation naman next," sabi niya bago humalik sa pisngi ko.

"Nice, relationship goals na ba ito?" pang-aasar ko. Nagsalubong agad ang kilay ni Dwayne. "Talent mo bang manira ng moment?"

Devoted | Book 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ