• 034 •

336 14 12
                                    

"What is that ba?!" kunot noong sabi ni Ina habang nilalagay ko ang mga lobo.

"This lobo, Ina. It's gonna lipad lipad when you bitaw-bitaw." Kusang nawala ang emosyon ni Ina na nagpagalpak sa amin ni Kean.

Nag-apir pa kami habang si Ina ay nakakrus na ang kamay sa dibdib.

"If you're not pregnant, I'm gonna sabunot you. I swear."

"Feel free to sabunot her," sigaw ni Fau sa gilid. Nasa binti niya ngayon si Rene na kagat kagat ang laruan niya.

"Dito ka na nga lang Fau, ako na lang kay baby Rene," nagtatampo ng sabi ni Ina. Inilingan ko lang siya bago bumalik sa pagkakabit ng mga lobo.

"I'm fine here."

"But I am not!" si Ina.

"Nandiyan naman boyfriend mo," bato ni Fau na nagpatigil sa akin. Parang may anghel na dumaan sa amin at makahulugan naming tinignan si Fau.

Nilalaro niya ngayon si Rene kaya di niya kami pansin. Nang maramdaman ang titig namin ay gulat siyang napatingala.

"What?" kunot noo niyang tanong.

"Okay lang 'yan, magkakaboyfriend ka rin." alo ni Ina. Hindi siya pinansin ni Fau at bumalik na sa pakikipaglaro sa anak ko.

Hays... it's been what? 5 years? Wawa naman Fauza ko huhuhu.

Nawala tuloy ako bigla sa mood. Nabroken bigla sa kaibigan kong walang lovelife.

Huta nireretuhan ko siya. Ayaw naman niya!

Natigilan lang ako nang maramdaman ang pagbavibrate ng phone ko. Agad na nabasa ang message ni Dwayne.

From: Dwayney-babe.

Eat your dinner, babe. Have you take your vitamins? Is Rene still awake?Male-late ako. Fau handed me a lot of work. Huwag mo na ako hintayin. I love you and Rene.

"Reply-an mo." Singit ni Ina na mukhang good mood na. Nasa bisig niya ngayon ang anak kong mapungay na ang mata.

"Do you want to sleep na?" tanong ko. Gamit ang maliliit niyang kamay ay kinusot niya ang kanyang mata bago umub-ob sa leeg ni Ina.

"Nakakainggit naman iyan, Rene." biglang singit ni Kean sa gilid ko. Noong una ay naguluhan pa ako kung anong kinaiinggitan niya ng bigla kong maisip kung saan naka-ub-ob si Rene.

Pamilyar 'yung words dre. Pamilyar.

"Ako na kay Rene, ikaw magbake." Tulak ni Fau sa akin. Pareho kaming marunong magbake kaya nagpatayan na kami sa tingin.

"Ako nanay ni Rene."

"Kaninong asawa 'yung pagba-bake-an?!" Mula sa pag-ub-ob ay biglang tumunghay si Rene. Pabalik balik na ang tingin sa akin at kay Fau.

"Bato bato picks," hamon ko. Fauza's weakness.

"Math problems," bato niya pabalik. Naiisip ko pa lang nasusuka na ako. Mygad, graduate na ako diyan.

"Kung kanino na lang sasama si Rene," singit ni Ina kaya sabay kaming napatingin Fau sa isa't isa.

Sabay kaming sumenyas kay Rene ng buhat, kung saan nakabuka ang kamay namin at nakatapat kay baby. Napatingin lang ang anak ko sa mga kamay namin, naguluhan na.

"Come to mommy," I said sweetly habang si Fau ay tahimik lang. Akala mo naman talaga.

Maya maya ay binuka ni Rene ang kamay niya at sumama sa— kay Fauza!

Sumabog agad ang tawa ng kasama naming magkasintahan. Habang ako ay nabitin ang kamay sa ere.

Waaaw.

Devoted | Book 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu