86

44 9 0
                                    

Harold Angeles

Alexa: Harold

Alexa: I'm sorry sa pakikitungo ko sayo.

Alexa: Nag-chat ako sayo para sabihing napatawad na kita. Na wala na akong galit na nararamdaman sayo.

Harold Angeles went online.

Harold: Alexa

Harold: Nagulat ako

Harold: Pero natutuwa akong malaman na okay na tayo, right?

Alexa: Yeah, okay na tayo.

Alexa: Pero...

Harold: Pero hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati? Hindi na mutual ang feelings natin?

Alexa: Uh-huh, sorry.

Harold: Hindi mo kailangan mag-sorry, lex.

Harold: Matagal ko nang natanggap na hindi na tayo babalik pa sa dati so no worries.

Harold: Pero siguro naman kahit friends pwede natin ibalik diba?

Alexa: Syempre naman 'no!

Alexa: Friends na talaga tayo, pero

Alexa: 'Wag ka nang magpapakita pa ng motibo na gusto mong makipagbalikan para hindi kita i-block tulad ng ginawa ko kay Pao

Alexa: Joke! HAHAHA

Harold: So doon pala kayo nagsimula ni Mark?

Alexa: Maybe yes? Maybe no? Ewan.

Harold: Speaking of Paolo

Harold: Alam kong hindi ka manhid, lex. Alam kong alam mo na iniiwasan ka ni Mark Paolo.

Alexa: Yeah at alam mo rin

Alexa: Bakit Harold? Bakit ako kailangan iwasan ni Pao?

Alexa: Stupid self, alam mo naman ang dahilan pero nagtatanong ka pa rin. Tsk |

Harold: Hindi mo talaga alam kung bakit?

Alexa: Alam

Alexa: Pero hindi ako mapalagay, gusto ko malaman ang totoo at hindi dahil iyon ang sinasabi ng isip ko.

Harold: Kung ganun siya ang kausapin mo, lex.

Harold: Wala akong karapatan na magsabi, ang kapatid ko ang kausapin mo.

Alexa: Na siyang gagawin ko.

Alexa: Aattend siya ng mass mamaya?

Harold: Oo, kasama niya 'ko.

Alexa: Kakausapin ko na siya mamaya

Harold: Tutulungan kitang makausap siya, lex.

Alexa: Salamat, Harold.

Harold: Walang anuman :)

Harold: Sana lang hindi pa huli ang lahat |

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon