71

38 8 0
                                    

Ito ang pang-anim naming simbang gabi, ilang gabi na lang at pasko na. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ng pari sa unahan. Ibinaling ko ang atensyon kay Martina, napatingin din siya sa akin ngunit agad niya ring iniwas ang kaniyang tingin.

Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin sa unahan. Lord God, sana po patawarin na 'ko ni Martina sa mga nagawa ko. Hindi po ako sanay na ganito kami ng bestfriend ko, hindi po ako sanay na hindi kami nagpapansinan. Sana rin po, mapatawad niyo rin ako sa mga nagawa ko.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Pang-anim ko na po 'tong simba pero wala pa rin akong nahihiling, sabi po kasi nila na kapag nakompleto ko ang siyam na simbang gabi ay matutupad ang hiniling ko kaso.... wala naman akong hiniling kasi hindi ko po alam ang hihilingin ko. Pwede naman po kahit wala akong hilingin sa inyo di'ba?

Nang imulat ko ang mga mata ko ay literal akong nanigas nang magtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko inaasahan na sa pagmulat ng mata ko ay siya ang sasalubong sa akin—si Paolo.

Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kumirot sa aking dibdib nang masaksihan ko kung paano siya mag-iwas ng tingin sa akin. Ang inaasahan ko ay ngingitian niya ako o kakawayan man lang tulad ng madalas niyang ginagawa sa t'wing nakikita ako pero mali... dahil ito siya, iniwas ang tingin sa akin na parang hindi niya na 'ko kilala.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat