62

38 8 0
                                    

Matapos ang misa ay sabay-sabay kaming lumabas ng simbahan at tumambay sa 7-eleven. Kumakain kami ngayon, ang iingay nga nila habang ako ay tahimik lang.

"Salamat sa libre Pareng Paolo ha? Sa uulitin." Agad namang nabatukan ni Cynthia si Martina sa sinabi nito.

"Pasensya ka na kay Martina, Pao. Pero salamat! Sana sa susunod sa Mang Inasal naman." This time si Cynthia naman ang binatukan ni Martina at ayon, nagbatukan ang dalawa.

Narinig kong natawa si Paolo at saka napangiti, "ayos lang 'yon. Pero kung gusto niyo, sa SM naman tayo sa susunod. Ano, game?"

Napatakip ako sa aking tenga sa paghiyaw ng tatlo, halatang gustong-gusto nila ang ideya ni Paolo na sa SM naman kami ililibre ni Pao. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga dahil nahihiya na 'ko.

Kilala ang tropa namin bilang matitigas ang ulo, saksi ang mga classmates, teachers at school namin diyan. Kami rin ay malupet pagdating sa libre at wala kaming tinatanggihan, kumbaga talagang makapal ang aming mga mukha.

Pero ngayon? Hindi ko maiwasang mahiya sa inaasta ng mga kaibigan ko kay Paolo. Gusto ko rin naman ng libre, syempre libre 'yon eh. Pero kasi... ay basta!

Matapos nilang kumain ay agad na akong tumayo at hinila ang mga kaibigan ko paalis doon. Nagulat sila sa ginawa ko pero wala akong paki, nahihiya na talaga ako sa ginagawa nila. Baka isipin ni Pao inaabuso namin ang kabaitang pinapakita niya.

Isa pa... baka may kapalit ang lahat ng 'to. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa lalaking 'to, pisti siya.

"Luh, busog pa kami Alexa. Hinay-hinay lang, 'wag magmadali." Pagpigil ni Pao sa amin, hinarangan niya 'ko.

"Aalis na kami, tama na ang libre na 'to Pao. Alam kong may kapalit ang lahat ng 'to kaya stop na." Sambit ko at saka hinila ang mga kaibigan kong wala ng nagawa pa.

"Hala sorry Pao! Pero thank you ng marami!"

"Salamat ng sobra! Bye, Paolo!"

"Pagpasensyahan mo na Pao, baka bad mood lang si Alexa. Salamat ulit!"

Sigaw pa nung tatlo bago kami makaalis doon at iwan si Paolo'ng nag-iisa sa may 7-eleven.

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Where stories live. Discover now