16

54 8 0
                                    

Renz Madrid

Paolo Angeles went online.

Paolo: Pre, pre! Hoy!

Renz Madrid went online.

Renz: Bakit pre? Problem?

Paolo: Kilala mo si Alexa? 'Yung babaeng nakipag-break sa akin kahit tatlong oras lang naging kami?

Renz: Ah oo, 'yung babae na pinagtitripan mo!

Renz: Oh anong meron dun?

Paolo: Gago, hindi ko 'yun pinagtitripan 'no!

Paolo: I really like her lang talaga kaya kahit wala na kami gusto ko pa rin siyang makausap lagi.

Renz: Pre?

Renz: Ang bakla mo sa part na 'yun ha HAHAHA

Renz: 'Di ko alam na maf-fall ka sa babaeng sa chat mo lang nakilala.

Paolo: Take note, pre. Matagal ko nang kilala si Alexa. Personal.

Paolo: Pero siya hindi niya 'ko kilala.

Renz: Stalker? Yikes pre. Tindi naman ng tama mo sa babaeng 'yon.

Renz: Umamin ka nga, mahal mo na 'no?

Paolo: Hindi, hindi ko alam, ewan.

Paolo: Gusto ko lang siya, pero mahal? Malabo ata pre. Siguro hanggang like lang, hindi love.

Renz: Cheesy, nac-cringe ako letse!

Renz: Oh ano ngang meron sa ex mong 3 hours mahigit lang naging kayo? HAHAHAHAHA

Renz: Shet pre, 'di pa rin ako maka-get over. Akalain mo 'yun? Matinik ka sa chicks na tipong gusto ka nilang makasama habang buhay pero 'yung Alexa na 'yun nakipag-relasyon sayo ng 3 hours lang mahigit? Huwaw.

Renz: hAHAHAHAHAHA pusha pre, dinaig ka pa ata ng babae.

Paolo: Shut up nga, wala talagang magandang lalabas dyan sa bibig mo.

Paolo: Pag ako nainis susugod talaga ako sa bahay niyo at lalagyan ng packing tape 'yang bibig mo.

Renz: Pfft. Sorry naman pre.

Renz: Eto na, tatahimik na nga.

Renz: So ano na?

Paolo: Ayon nga pre. Nakausap ko si Alexa kahapon at pinakiusapan siyang i-unblock ako.

Paolo: Pero ayaw niya then I accidentally called her panget na siyang ikinainis niya.

Paolo: Honestly, wala akong intensyon na asarin siya pero dahil feeling ko sa pamamagitan ng pang-aasar ko ay makukuha ko ang atensyon niya kaya pinagpatuloy ko na lang na asarin siya.

Renz: Nakuha mo nga ba ang atensyon niya?

Paolo: Oo pre, sobrang inis na inis siya at gigil sa akin.

Paolo: Then kanina grineet ko siya ng good morning and she's acting weird.

Renz: Panong weird pre?

Paolo: Ang bait niya kanina, na para bang walang asaran na nangyari between us yesterday. Weird right?

Paolo: Ang ine-expect ko talaga ay susungitan niya ako since inasar-asar ko siya kahapon pero iba ang nangyari. Naging mabait siya sa akin.

Renz: Lol. Malay mo naman pre nasa good mood siya kaya hindi ka sinungitan?

Paolo: Ewan ko, feeling ko may binabalak ang babaeng 'yon. Naf-feel ko.

Renz: Baliw! HAHAHAHA

Renz: Pero ayaw mo nun? Mabait na nga siya sayo eh, 'yun na ang pagkakataon mo para makuha ang loob niya.

Paolo: Makuha ang loob niya? Sa chat? Pre, you serious? Feeling ko mas matigas pa 'yon sa bato eh.

Paolo: Pero may naisip na 'kong paraan.

Renz: Ano?

Paolo: A-Attend ako ng night mass. Baka makita ko siya doon since iisa lang naman siguro kami ng simbahang sinisimbahan.

Paolo: Iisa lang naman kami ng lugar na tinitirahan, 'di niya lang alam.

Renz: Seryoso ka? Magsisimba ka talaga?

Renz:  Hala pre baka masunog ka! Mawawalan akong kaibigan!

Paolo: Gago! Anong akala mo sa akin demonyo?

Renz: Bakit hindi ba?

Paolo: Kung sayo lang naman, bakit hindi diba?

Renz: Joke lang pre, 'to naman 'di mabiro hehe.

Renz: Support!

Paolo: 😎

Malaya Ka Na [TMAU Series #1]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ